PROLOGUE

15 1 0
                                    

Bakit ba hindi ako makamove on sa'yo? -- tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa picture namin sa cellphone ko, naiyak. MATAGAL NA NAMAN YUNG NANGYARI SA AMIN NI BRYLLE PERO- BAKIT GANITO PADIN?!


"Lanna, nung isang araw ka pang hindi nakain" sabi ni Ate Elise na may bitbit na tray ng pagkain para sa akin.

"Kakain na ako ate, promise" sagot ko habang nagpupunas ng luha

"Nasabi mo na yan nung isang araw pero hindi ka padin nakain" mahinhin niyang sinabi pero bakat sa mukha niya ang pag-aalala at pagtitimpi

"Oo na ito na, kakain na" pilit kong sagot habang paunti-unting naupo sa kama

Lumapit siya sa akin at ipinatong sa side table ang tray.


"Pwede bang ikwento mo sakin kung bakit kayo naghiwalay? Ang tagal mo nang hindi nag kwekwento sa akin"

Napatinggin ako sa kanya at bumuntong hininga "Ganito kasi yon, ramdam kong sawa at pagod na siya sa akin lalo na at ang lala ng toyo ko. Tapos ramdam ko din na naasa na lamang ako sa 'label' namin para sa feelings ko, ang tanga ko diba?" sagot ko sa kanya habang nagpipigil umiyak ulit.

"Ano yon hindi kayo nag cool-off? Break agad?"

"Ganon na nga at yun ang pagkakamali ko, nakipag break agad hindi space-- ni hindi manlang namin napag-usapan tas nung kinausap ko ulit parang wala na sa kanya lahat ng pinagsamahan namin" muli kong sagot at pumatak ng tuluyan ang luha sa mata ko

"Yaan mo na kasalanan mo din naman eh, pero hoy di porket pwede maging tanga aaraw-arawin mo na"


"Let yourself heal, ok? Paunti-unti mong kalimutan mga memories na mag kasama kayo ahil God has better plans for you. Don't settle for less" dagdag pa niya


"Thank you ate"

"Always welcome, kumain ka na mag-gagawa pa ako ng plates dami naming project ngayon eh." huli niyang sabi bago siya umalis ng kwarto ko.


Umiyak naman muna ako at kinuha ang phone ko. May nag chat sakin dahil sa twitter game, gusto daw niya makipag close kaya naman itinuloy ko ang convo namin.

Twitter Game: Serendipity or Fate? *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon