Chapter 11

161 6 2
                                    

Chapter 11: Stranger

10 AM na nagising si Lorenz pero si Ethan ay tulog na tulog pa.

"Hala 10 AM na need ko na matapos yung swimsuit sketch ko" sabi ko

"Tulog na tulog pa si Ethan, kailangan ko ng bumalik sa dorm ko para matapos na yung gagawin ko , paano ako magpapaalam" sabi ko

Nang may nakitang papel at ballpen si Lorenz sa study table ni Ethan napagpasyahan niyang magiwan nalang ng sulat kay Ethan para kapag ito'y nagising ay mababasa niya na ito.

"Hi Ethan, goodmorning pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo ha kasi tulog na tulog ka pa ayaw kita gisingin. Bumalik na ako sa dorm ko dahil gagawin ko na yung sketch ko para sa Miss Fashion Sketch Competition mamaya na kasi deadline. Salamat sa pagpapatulog sa akin yung damit mo next time ko na babalik lalabhan ko muna nakakahiya. Ingat ka ha God Bless have a nice day ahead" sabi ko sa sulat ko kay Ethan at dinikit ko sa ibabaw ng cellphone niya para makita niya agad.

Umalis na si Lorenz sa dorm ni Ethan at bumalik na siya sa dorm niya pero bago siya makarating sa dorm niya may narinig siyang dalawang taong naguusap sa may gilid ng hallway malapit sa dorm niya malakas ang usapan ng dalawa kaya tinignan ito ni Lorenz at nang makita niya ay si Zachary iyon na may kausap na isang lalaki. Kaya nakinig nalang si Lorenz ng patago sa gilid para hindi siya makita.

"Pls leave i don't need you here and i don't want to see you" galit na sabi ni Zachary sa lalaking kausap niya.

"Zachary bakit ka ba ganyan ang tigas ng puso mo pagdating sa akin" sabi ng kausap ni Zachary

"Wala kang pake just leave i don't want to see you face here ever again nakakadiri ka" galit na sabi ni Zachary

At iniwan na ang lalaki na kausap niya at pumunta na sa kwarto si Zachary

Pinagmasdan ni Lorenz ang kausap ni Zachary hindi naman katandaan at hindi naman kabataan tama lang ang edad , matangkad, mestiso at maganda din ang hubog ng katawan at may itsura malakas din ang dating katulad ni Zachary.

Pagkatapos iwan ni Zachary ang kausap niya agad na itong umalis, balak sanang habulin ni Lorenz para kausapin kung ayos lang ba siya dahil mukhang hindi naging maganda ang usapan nila ni Zachary. Ngunit nagalinlangan si Lorenz kaya't pumunta nalang siya sa dorm nila ni Zachary.

Pagpasok niya ay agad niyang kinausap si Zachary.

"Zachary sino yung kausap mo sa labas kanina?" sabi ko

"Wala kang pake kung sino yon!! atsaka bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan !?" sabi ni Zachary

"Hindi ko naman sinasadya dahil ang lakas kasi ng boses mo halatang hindi kayo maayos ng kausap mo" sabi ko

"Buti nalang walang tao sa hallway kundi maraming makakarinig sa inyo" sabi ko

"Bakit parang ang laki ng galit mo sa taong yon? Mukhang nagaalala lang naman siya sayo" sabi ko

"Ano bang pakialam mo ha? Mind your own business" galit na sabi ni Zachary

"May kasalanan ka pa sa aming dalawa ni Ethan" sabi ko

"Ako magkakaroon ng kasalanan? Sge kailan? At paano?" sabi ko

"Kahapon yung lasing ka tinapaktapakan mo at sinira mo yung drawing ko na ipapasa ko sana sa Miss Sketch Fashion Competition ngayon kaso sinira mo kaya uulitin ko at " inis na sabi ko

"Tatanga tanga ka pakalat kalat kasi yung gawa mo na wala namang sense" sabi ni Zachary

"Wow ha sayo walang sense kasi hindi ikaw ang gumawa hindi ikaw nagpakahirap kaya madali sayong sabihin yan" inis na sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fated to Love You (BoyXBoy Story) (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon