1

91 3 0
                                    

"And now, let's hear from the Dean of Math Department, the champion of this quiz bee who got the highest total of score..."

"Llanz Allen Corpuz!"

Tilian ng mga babae ang pumuno sa mini theatre kung saan ginanap ang nasabing quiz bee. Nakangiting humakbang si Llanz para tanggapin ang kanyang medalya kasabay ng pagkamay niya sa professors.


"I love you Llanz!!!"

"Omg! Marry me Llanz!!!"

"Llanz im all yours!"

Kumaway siya sa mga babaeng wala ng ginawa kundi itili ang kanyang pangalan. Lalong nagtilian ang mga ito.

Pagkababa ng stage ay agad siyang sinalubong ng matatalik niyang kaibigan. Meet Joe, Chase and Jeremy. Nakakatuwang isipin kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila. Nakilala niya si Jeremy dahil sa lahat ng Math contest na sinalihan niya ay photographer ito. Kabilang ito sa Moments Club na sikat sa College of Photography. Si Chase at Joe naman ay kablock niya sa section niya. Walang itulak kabigin sa kanila kung pagwapuhan din lang ang pag uusapan.

"I love you Papa Llanz!"

Parang bading na nagtatakbo palapit sa kanya si Chase at nagbeso beso sa kanya. Binatukan niya ito. Kahit kelan talaga ito ang pinakamaloko sa kanila.

"Umayos ka nga. Gusto mo bang ngumawa ang mga babaeng naghahabol sayo dito sa campus?"

Parang budoy na humalakhak ito kaya natawa na din lang siya.

"Hanep pre! Pwede ka ng ihanay kay Einstein!"

Exaggerated namang sabi ni Jeremy kaya napahalakhak sya ulit.

"Oh my god! Look at his teeth, parang pang model ng toothpaste!"

"Gosh! Kinikilig ako! Ang gwapo talaga ni Llanz!"

"Mayakap lang ako ng mga braso niya.. oh la la!"

Hindi siya bingi para hindi marinig ang usapan ng mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Kumaway siya sa mga ito sabay kindat. Parang bulateng nilagyan ng asin ang mga ito at halos mamilipit na sa kilig.

Bumaling ulit siya sa mga kaibigan.

"Mga ugok! Wag niyo na kong inuuto, alam ko naman yang mga ganyang banat niyo."

Nagtinginan ang mga ito at sabay sabay na nagsipag taas baba ang kilay. Natawa na naman siya.

"Dating tambayan. Sagot ko."

"Yon!!!!!!!!!"

Ngumisi ang mga ito at nagsipag apir. Napailing na lang siya.

Naglalakad sila palabas ng mini theatre ng walang ano ano ay may babaeng yumakap sa kanya.

"Hi Llanz, honey, ang galing mo talaga, wanna have something sweet and sexy as your prize?"

The girl smiled seductively.

"Some other time siguro. You see, may lakad kami ng mga kaibigan ko."

Ipinaskil pa niya ang killer smile niya na nagpalabas ng dimples niya. Lalong napangiti ang babae.

"Just text me then." At siniil siya nito ng halik sa labi bago kumindat at kumekembot na tumalikod.

"Woah! That was.... hotttt!" Komento ni Jeremy na ikinangisi niya lang. Unlike him, Jeremy is every girls dream, the gentleman/prince charming type kaya may pagkaconservative.

"Di ba si Yanni yun? Yung nanalong Campus Face this year? " singit ni Joe na ngayon lang nagsalita.

"Yeah. She is."

"Nililigawan mo yun?" Sabat ni Chase na hindi naman sa akin nakatingin kundi sa babaeng naka mini skirt, hindi kalayuan sa nilalakaran namin.

"May nakakalimutan ka, wala sa bokabularyo ko ang manligaw. All fun, no feelings involved.." sabay bulong: "just lust."

Napailing si Jeremy habang nagtawanan naman silang tatlo.

---***---

"Llanz, please don't do this to me. "

"Yel alam mo kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay."

"Llanz, please stay, nakahanda akong gawin ang lahat, wag mo kong iwan." Tuluyan ng napahagulgol ang babae.


"Im sorry. I can't stay."

Llanz: The Math WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon