4

4 0 0
                                    

Chapter 4:

“Girl, grabe! Nakeri mo yun?” manghang mangha na sabi ni Mariel.

“ Oo! Nakeri ko, pero ikaw bigla kang nagmissing in action.” nakairap na sabi niya.

“Girl naman, try to understand me. Hindi ko pa siya kayang harapin, masakit kaya.” lumungkot na naman ang mukha nito.

“Tse! Tumigil ka na nga! Wag ka na mag emote. Hindi pa ko nakakarecover sa gigil ko hanggang ngayon.” nakaismid na sabi nya.

“ Pero, hindi ba masyado ka namang naging rude sa kanya? He saved your life! Kung hindi ka niya sinagip, malamang bali bali na buto mo ngayon.” Natahimik siya, may point kasi si Mariel.

“Sa totoo lang, wala akong pakialam. Rude na kung rude. Bakit siya ba? Inalala niya ba kung gaano siya nagiging rude sa tuwing mananakit siya ng mga damdamin ng babae? He deserved it!” nakaingos na sabi niya.

“Chill ka lang girl. Natatawa ako sayo. Thankful ako na kahit papaano, in a way e naiganti mo ako sa kanya pero alam mo ba daig mo pa ko sa pagkainis mo diyan. Parang ikaw yung sinaktan niya ah.” natatawang komento nito.

“Sinaktan ka niya, parang ako na rin ang sinaktan niya kasi kaibigan kita.”

“Awww. Natouch naman ako dun. Payakap nga. Wag kang mag alala, kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong, nandito rin ako para sayo. 24/7.” Natatawang yumakap sa kanya si Mariel.

“Talaga lang ha? Aasahan ko yan. Naku, tama na ngang drama. Tara na at umuwi.” Umabrisyete sa kanya si Mariel at masaya silang naglakad pauwi.






“ Pre, anong nangyari? Balitang balita sa campus yung pananampal sayo ng babae ah.” tanong ni Joe kay Llanz.

“Damn that woman! Naiinis pa rin ako hanggang ngayon! May sira ata yun sa ulo e. Sinampal niya daw ako kasi sinaktan ko yung kaibigan niya.” napapailing na sabi niya.

“Biruin mo yun, si Llanz Allen Corpuz na hinahabol habol ng maraming babae, tinawag na pangit at sinampal pa! That was a first! Kung nandun lang ako, baka naivideo ko pa sana at for sure, magiging viral yun sa facebook.” pang aalaska naman ni Chase. Tinignan niya ito ng masama. Humalakhak lang ito.


“Teka pala, ito bang pinapahanap mo saken na De Vera ang last name ay ang Mystery girl?” nakakunot noo na sabi ni Joe.

“Oo. Kaya balitaan mo agad ako kapag nahanap mo na lahat ng details sa kanya ah.”

“ Ano namang balak mong gawin?”

“Basta.” malapad siyang napangiti. Maya maya pa e humahangos na dumating si Jeremy.

“Peymus kong friend, patingin nga ng pisnging nasampal sayo.” nakangising sabi nito.

“Wag mo na ngang ipaalala yon. Nasisira lang ang araw ko.” nakabusangot na sabi niya.

“Maganda ba?” nang aasar na namang hirit ni Chase. Bumalik sa ala ala niya ang mukha ng babae. Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya.

“Yeah, maganda siya.” Nag apiran ang mga mokong at sabay sabay pang humalakhak.

“Kakaiba ang kislap ng mga mata mo. Delikado yan. I think you have finally found your match.” sabi ni Jeremy.

“ Hindi pa pinapanganak ang makakabingwit saken.” mayabang niya namang sagot sabay ngisi.

*********************************************



Break time ni Shane at kanina pa siya nagugutom kaya hindi niya na nahintay pa si Mariel. Nagmamadali niyang tinungo ang cafeteria at umorder ng paborito niyang lasagna. Agad naman siyang nakahanap ng mauupuan. Pagkaupong pagkaupo, umusal siya ng panalangin at agad na nilantakan ang lasagna. Napapikit pa siya ng malasahan niyang natunaw ang keso sa bibig nya.

“Hi! Nice seeing you again, Ms. Amazona.” wika ng isang baritonong tinig na hindi niya namalayang umupo sa tapat niya. Nag init agad ang ulo niya at napamulat siya ng mata. Tinitigan niya ito ng masama. Inis na inis siya lalo pa at malakas ang pagkakasabi nito ng “Ms.Amazona”. Napatigil ang mga kumakain sa kalapit nilang mesa at napatingin sa gawi nila.

Nanghihinayang man sa lasagna na nangangalahati pa lang, mabilis niya ng kinuha ang kanyang bag at nagmamadaling tumayo. Iglap lang ay nahawakan na nito ang braso niya.

“Running away again? Hindi na ako papayag.” nakangising sabi nito.

“Let go of my arm! What do you want from me Mr. Corpuz?” mataray na sabi niya. Konting konti na lang talaga sasabog na siya sa inis.

“You.” ngisi nito. Hindi makapaniwalang tumingin siya dito.

“Ano?!”

“Hindi pa ako tapos. You and your apology. Here. Now.”

“Aba’t, ang lakas naman pala talaga--”

“In case you haven’t notice, We’re catching attention again.” There was a hint of sarcasm in his voice. Tinitigan siya nito ng matiim.

“Alam mo Ms. Amazona, hindi mo naman kelangan pang gumawa ng mga kwento tungkol sa kaibigan mo at lalong hindi mo ko kailangan pang sampalin para lang mapansin kita. May gusto ka ba saken? Masaya ka na siguro, kasi napansin na kita.” mayabang nitong sabi. Naningkit ang mata niya pero mukhang wala lang sa lalaki kahit sobrang talim na ng titig niya dito.

“Aminin mo, type mo ko no?” Inilapit nito ang mukha nito sa kanya sabay kindat. Mabilis na umigkas ang kamao niya dito, tumama iyon sa panga nito.

“Ito ang tandaan mo Mr. Conceited! Hindi ko kailanman magugustuhan ang isang tulad mo!” pabulyaw niyang sabi sabay lakad palayo.











At sa pangalawang pagkakataon ay naranasan ni Llanz mapahiya. Madami dami ding kumakain sa cafeteria ng mga oras na iyon at lahat ay nakasaksi sa panununtok sa kanya ng babae. He cursed silently, lalo pa at naririnig niya na ang hagikhikan ng mga babae at nakakalokong ngiti sa kanya ng mga lalaki. Inis na inis niyang nilisan ang cafeteria at nagpasyang magtungo sa tambayan nila. Natanaw niya agad si Jeremy na nakaupo sa isa sa mga benches sa likod ng Accounting building. Walang umuupo na kahit sino sa lugar na iyon kundi sila lang.

“ O bakit biyernes santo yang mukha mo? Anong meron?” tanong nito.

“Kita mo tong pamumula ng panga ko? Kagagawan na naman ng babaeng yun! Sinuntok ba naman ako. Siguradong kalat na naman yun sa buong campus. Sh*t!” Tinawanan lang siya ni Jeremy.

“Alam mo, gustong gusto ko na talagang makilala yang Mystery girl mo. Ano ba kasing ginawa mo, bat ka sinuntok?”

“Sinabi ko lang naman na nagpapapansin lang siya at may gusto siya saken.”

“E loko ka pala e. Nagsabi ka ng ganun e alam mong inis yung tao sayo, malamang masuntok ka talaga.” Tumawa na naman ito.

“Wala namang masama dun sa sinabi ko. Just stating a fact.”


Napailing na lang si Jeremy.


Hindi ka makakatakas saken, Ms. Amazona. You’ll pay for this.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Llanz: The Math WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon