3

75 2 0
                                    

"Let go of me! Alis!" Itinulak niya ang hinayupak dahil nakadagan pa din ito sa kanya.


Hindi maialis ni Llanz ang kanyang mga mata sa babaeng iniligtas niya. Mesmerized, he continued staring at her. Nakakahalina ang simple at inosenteng ganda nito.

"Bingi ka ba? Sinabing bitawan mo ko!" Nanggagalaiting tinig nito ang pumutol sa pagtitig niya dito. Bakit ba sa tingin niya ay inis na inis ito sa kanya? Nang matauhan ay binitawan niya ang bewang nito na hapit pa pala niya. Nagmamadaling tumayo ito at nagdadabog na bumaba ng stage. Sinalubong ito ng isang babae na pamilyar sa kanya ang mukha.

Teka, hindi na nga nagpasalamat, sinungitan pa ko?

Dali dali siyang tumayo at hinabol ang naglalakad na babae. Mabilis na naabutan niya ito at nahagip ang braso. Sabay na bumaling sa kanya ang dalawang babae. Ang kasama nito ay agad nanlaki ang mata, kasabay ding nangilid ang luha nito at tumakbo palayo.

Napatingin siya sa babaeng hawak niya ang braso. Pumiksi ito. Marami na ring napapatingin sa gawi nila, maraming tao sa gawing yun dahil sa mga taong lumalabas mula sa naudlot na screening.

"Oh my gee! Who is she??"

"Bakit siya hinabol ni Yummy Llanz?"


"Flavor of the month niya?"

Nagsimula ng magreak ang mga babaeng nasa paligid nila. Nagulantang siya ng isang matunog na sampal ang sumalubong sa kanya ng balingan niya ang babae. Nasapo niya ang pisnging nasaktan. Dinig na dinig niya ang malakas na pagsinghap sa paligid.

Pulang pula ang mukha ng babae at mukhang galit na galit.

"What the hell!" That's all he can manage to say.

"Para yan sa pananakit mo sa kaibigan ko. You're worthless! Ano bang ipinagmamalaki mo? Yang galing mo sa Math? Huh! FYI, Mr. Corpuz, hindi ka gwapo para magpaiyak, magpaasa at mang iwan sa mga babaeng nagmamahal ng totoo sayo. Makarma ka sana, PANGIT!!!!" Nakasigaw na sabi nito sabay hakbang palayo.

Mas lumakas ang bulungan sa paligid.  Pulang pula ang mukha niya sa sobrang pagkapahiya. Dahil sa kalituhan ay napapasok siya sa men's room. Pilit niyang iniisip kung bakit pamilyar sa kanya ang kaibigan na kasama kanina ng babaeng sumampal sa kanya kanina. Nang maalala niya kung sino ito ay napamura siya. She was his ex fling.

Nalagay siya sa kahihiyan dahil sa babaeng yon!

"I swear you'll never get away with this, Ms. Whoeveryouare. Pagbabayaran mo ang ginawa mong pamamahiya saken."

Tumitig siya sa salamin at saglit na nag isip. Pagkuwa'y kinuha niya ang cellphone at nagdial.

"Joe, i need your help. Find this girl and give me her records and files. Don't miss any details . De Vera is her last name. Thanks."

Malas at last name lang ang nakita niya sa suot na pin nito. Mas maganda sana kung buong pangalan nito ang nakuha niya para hindi mahirapan si Joe sa paghahanap dito. Nagpapart time ito sa Admin ng school nila.

Napangisi siya. Nasasabik na siya sa muling pagkikita nila.

Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo.

Llanz: The Math WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon