2

72 3 0
                                    

"Ano ba kasing nginangalngal mo dyan?" Tanong ni Shane sa kaibigan niyang si Mariel na panay ang iyak simula ng mapagbuksan niya ng pinto. Mugto na ang mga mata nito.


"I hate him! Pinaasa niya lang ako!"

Sabi nito at humagulgol na ulit. Kahit tuloy hindi niya alam ang dahilan ay naawa sya dito, ngayon niya lang nakitang umiyak ng ganoon ang masayahin niyang kaibigan.

"Bago ka kasi maghisterya dyan, ikwento mo saken ng buo ang dahilan ng pagkakaganyan mo." Pinilit niya itong paaminin. Sa paputol putol na salita ay nagawa nitong ikwento ang dahilan ng pag iyak nito.

"Hinayupak na Corpuz yon! Hindi na nakuntento na mangalantari ng mga babaeng talo pa pokpok kung umasta, pati ikaw??? Kuuuu!!!! May kalalagyan sa akin ang lalaking yan, makikita niya!!!" Gigil na gigil na saad niya. Hindi din mapigil ang pagrepeke ng bibig niya. Bumaling sya sa kaibigan niya.

"At ikaw Yel, tumigil tigil ka sa kaiiyak mo diyan. Sinasayang mo ang luha mo para sa lalaking walang kakwenta kwenta."

"Nasasabi mo lang yan sa ngayon Shane kasi hindi ka pa nagmamahal. Kapag nainlove ka, gagawin mo lahat para sa taong mahal mo."

Pinahid niya ang mga luha ni Mariel.

"Move on okay? Just remember this, he's a jerk for letting you go."

---***---


Kanina pa kinakabahan si Shane, nakasama kasi siya sa mga napili para sa gaganaping Mr. And Ms. Tourism. Screening ngayon at siya na ang susunod na tatawagin. Pasimple siyang sumilip sa stage at nakita niya si Mariel na nakatingin sa kanya, kasama nito si Jeremy na isa pang malapit na kaibigan niya.

Kaibigan nga lang ba? Singit ng pilyang parte ng isip niya. Nawaglit ang iniisip niya ng marinig niyang tinawag ang pangalan niya. Huminga siya ng malalim at ngumiti ng buong confident bago pumanhik sa stage.

Walang anu-ano'y bumigay ang isa sa mga haligi ng ginawang stage at dire diretsong tumumba sa direksyon ng kinatatayuan ni Shane. Tilian ang mga tao. Sa sobrang shock ay hindi naman maigalaw ni Shane ang mga paa kaya hinintay niya na lang na mabagsakan siya, nang may biglang humagip sa braso niya at dagling naiiwas siya. Nang magmulat siya ng mata ay isang pares ng hazel brown eyes ang sumalubong sa kanya.

"Miss okay ka lang?" Concern na tanong nito.

Oh No!!!! Ang hinayupak in his very own flesh!!!


Llanz Allen Corpuz...

Llanz: The Math WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon