Kabanata 25

793 77 29
                                    

Kabanata 25

Kill

"Tangina, ang hirap naman no'ng Math!" Monty exclaimed.

Naglalakad kami palabas ng classroom dahil katatapos lang ng panghuling pagsusulit namin sa araw na iyon. It's the second day of finals week and everyone was exhausted from all the hard work and debacle of the day.

"I know you aced it, Monty. Huwag mo akong lokohin," irap ko.

"Sabi ko lang naman mahirap, 'di ko sinabing binagsak ko." He chuckled. Hinila niya ako bigla. "O sa'n ka pupunta? Dito papuntang parking lot—"

"'Di pa ako uuwi," agap ko. I halted on my track. Napatigil din siya upang bigyan ako ng atensyon.

"Sa'n ka ba? Wala ba si Rowan?" he asked.

"Wala," iling ko. "Diyan lang naman ako sa Bistro. I'll study there. He'll pick me up a little later today."

"Ikaw lang mag-isa?" He lifted a brow. There's a worried look on his face. Bumuntong-hininga siya. "I know it's been hard for you but you don't need to be hard on yourself too. Nangunguna ka na sa klase. Your plates are almost always perfect. Parang wala ka nang ibang ginagawa kundi ang... mag-aral."

Now it's my time to chuckle. Inilingan ko siya at pabirong sinapak sa balikat.

"Duh? We're students! What else are we supposed to do?"

He shrugged, natatawa na rin. "A lot. Make out. Get reckless. Have sex."

"Monty!" I exclaimed and made a face because he's being a horndog again.

"What? You asked, I answered. Ba't ba parang nahihiya ka? Tigang ka na ba?"

Nasapo ko ang mukha ko sa hiya. I started walking and he followed me.

"Joke lang, 'to naman," aniya. "Kung talagang namimiss mo na... ba't 'di mo nalang i-try kay Rowan? He's not that bad."

"Shut up, Montgomery! Nakakahiya ka! Umalis ka nga sa harapan ko!" I shoved him away.

Nasa gate na kami at alam ko na rin naman ang daan patungong Bistro mula rito. It's walking distance and it was 5 PM so there was still a lot of students at the sidewalk. Pwede rin naman talaga akong mag-aral sa mansiyon ngunit nakakasawa na rin ang apat na sulok ng kuwarto ko.

I literally hadn't been anywhere else except the mansion and school. Well, I went to Fortuna Falls with Monty and Yuki once but after that, wala na talaga. Nabubulok na ako sa mansiyon at kailangan ko naman ng ibang senaryo.

"Are you sure you're fine alone?" makahulugang sambit niya.

"Oo. I don't think there will still be guys who'd stalk and harass me after a bunch of them were beaten up and sent to jail by Rowan."

"Tss. I'm still not convinced. Samahan nalang kita patungo roon."

I didn't argue and let him do what he wanted. Nang makarating sa Bistro ay sinamahan pa muna ako niya ako ng ilang oras doon. He even treated me a cup of coffee before he left.

"Don't get yourself in trouble," aniya bago ako hinalikan sa pisngi at kumaway na.

"Dumbass," bulong-bulong ko.

I wasn't bullied again after Chamuel and I broke up. Kaklase ko pa rin si Ana. She refused to talk to me for the first few months, ngunit nang tumagal ay naging sibil na rin siya sa 'kin. I couldn't care less about her though. From here on out, I'd like to choose my battles. There were also times that I'd go to the parking lot after class and see her getting fetched by Chamuel. It was a kick in the gut but I had to endure and pretend like it was all alright.

Tale as Old as Time (La Fortuna Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon