Kabanata 36

816 64 10
                                    

Kabanata 36

Favorite

"Where's Chamuel?" tanong ko kay Willa.

Alas siyete na ng gabi at hindi pa rin siya nakakauwi sa mansiyon. I'd been all over the place already. Pumunta na ako sa kuwadra, sa pastulan, sa balon, sa hardin... lahat. Nilibang ko ang sarili ko dahil mukhang hindi ako mapapakali kung walang ginagawa.

Believe it or not, this was the first time that I had ever had a real vacation. After passing the Architect Licensure Exam earlier this year, I immediately got a project which was supposed to take up to six months. I didn't get any break so it felt weird that I was having one now.

Noong nalaman ko nga lang ang balita galing kay Atlas na hindi naman talaga kasal si Chamuel, agad akong nag-file ng leave. Our project was located in Iloilo City which was very near to La Fortuna. Bumalik ako sa Cebu at si Ian, na Engineer na ngayon, na lamang ang binilinan ko ng lahat.

Was it a bad career choice? Maybe, but I knew it wouldn't affect me that much. I topped the boards. Sigurado akong marami pa rin akong projects na matatanggap kahit hindi ko napagtuonan ng buong atensyon ang unang proyekto ko. Besides, if I was ever needed, I could still visit the site or do work from home.

Only that home was now the Valtierra's mansion.

"'Di pa nakakauwi, Tace, e. Baka maya-maya, andito naman na siya. Alam mo naman 'yang si Senyorito at noon pa man, tutok na sa trabaho," ani Willa.

Bumuntong-hininga ako bago lumapit sa kaniya na abala sa pagluluto. I peeked at the casserole and saw that she was cooking chicken adobo. Mabango 'yon kaya agad akong naging interesado.

"Willa, paano ba 'yan?"

Nilingon niya ako. Malapad ang ngisi niya at saka malisyosang itinaas-baba pa ang kilay.

"Gusto mo bang ikaw nalang ang magpatuloy? Sige na, para pagdating ni Senyorito, masiyahan naman siya!"

Ngumiwi ako. "Para naman akong asawa niya kapag ginawa ko 'yan. Ngayon nga lang kami nagkita pagkatapos ng lampas apat na taon, e."

"Ano naman kung ngayon lang kayo nagkita? Halata namang may nararamdaman pa kayo sa isa't-isa!"

"H-huh?" Eksaherada akong umiling. "Pinilit lang ako ng gagong 'yon! Sabi niya, dito raw muna ako sa La Fortuna sa loob ng isang buwan. Parang bakasyon lang, ganoon..."

"Bakasyon? Hindi! Bago siya umalis para hanapin ka, binilinan niya na kaming lahat na dito ka na titira pagbalik niya... Kaya kita mo, 'yang si Mayordoma? Tila anghel na kung tumuring sa 'yo!"

Napakurap-kurap ako. So he did plan all of this, huh? Talagang naibalita niya na sa mga katulong ang pagbabalik ko rito. My blood boiled at a sudden realization.

Damn. Talagang alam niya na papayag ako!

Well, it was not like I had a choice! Kasalan 'tong lahat ng traydor na si Rowan! Isusumbong ko talaga siya kay Lolo dahil sa kalapastangang 'to! Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kaniya ni Chamuel at wala na akong pakealam. He will pay! Silang dalawa, pareho!

Umilaw ang mukha ko nang may maisipan. I plastered a devilish smile to Willa.

"Willa, turuan mo ako niyang niluluto mo," desidido kong sambit.

"Tama 'yan!" halakhak niya. "Nako, siguradong mahuhulog si Senyorito sa 'yo. Tama 'yang diskarte mo. Dapat maging mabait ka sa kaniya para hindi niya na maisipang maghanap ng iba."

I chuckled at my thoughts. This is how I will get back to him!

Sapilitan niya akong dinala rito sa bayang pinaka-ayaw ko kaya dapat lang na magdusa siya. I would act like a good wife. I would be everything that he ever wanted in a woman. Tapos sa huli, kung akala niya'y napaibig niya na ako, lilisanin ko ang bayang 'to!

Tale as Old as Time (La Fortuna Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon