1: Palma

70 2 0
                                    

Out 1: Clef Jean Palma

Orion's Belt.

Napangisi ako nang hindi pumasok ang tira niya. Sinasabi ko na nga ba puro yabang lang ang isang 'to. Pinagmasdan ko muna kung paano sya sumimangot at magpunas ng pawis sa noo. Napatingin naman siya saakin pero nginitian ko lang siya ng mapang-asar, loser. Napalunok siya ngunit mabilis niyang inayos ang sarili at binigyan ako ng naghahamong tingin. Since, he missed his chance, pumwesto na ako katapat yung puting bola at nilagyan ng tisa ang aking taco. Sinipat ko ng mabuti kung ano ang titirahin, at yung mga susunod pa. Tanging musika lang mula sa bar area ang maririnig sa pwesto namin. Lahat ng nanonood sa laban namin ay tahimik lang akong pinanunuod at sinusuri sa kung anong tira ang aking gagawin.

Hindi ko gustong masyadong paasahin ang lahat kaya sisimplehan at bibilisan ko nalang ang pagtira ng bola. Gusto ko narin kasing makuha ang premyo ko. Pumwesto na ako para tumira, pero bago yun. I wanted to see the doomed face of the guy. Say goodbye to your Mustang sweetie. One last look, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa mga bola at sunod sunod itong inubos sa harapan nila.

Naalala ko pa noong unang beses akong naglaro ng billiard. Sobrang minamaliit ko yung sarili ko kasi napakahina kong tumira at kadalasan sablay pa. Pero, masyado akong interesado sa larong 'to kaya hindi ako tumigil. Nanonood ako ng mga competition sa tv. Nagpupunta ako sa mga tambayan ng ilan sa mga schoolmates ko. Hanggang sa sinanay ko na ang mga kamay at isip ko sa paglalaro ng billiard.

Hindi ito ganoon kadali katulad ng chess, kailangan mong pag-isipan lahat ng mga susunod mong tira, at yung mga susunod pang muli. And enough with the reminisce shit, tinapos ko na ang laro. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat ng nanonood.

"Ang galing mo talaga!" bati sakin ng aking kaibigan, si Miwa Fujino. "Hindi ka man lang pinagpawisan. Hindi katulad nung kalaban mo, nakaupo lang sa tabi pero tagaktak ang pawis. Damn!" dagdag pa niya habang hindi mapigilan ang pagtawa.

"Nagrereminisce lang ako kanina, hindi ko na namalayan na natapos ko na pala" sabi ko sabay kibit-balikat.

"Hambog!" sigaw naman niya sakin sabay tawang muli. Hinanap ng mata ko ang mukha ng lalaking nakalaban ko, natalo ko. Kaharap niya ang ilan sa mga kaibigan niya. Hindi ko hahayaang mawala siya sa paningin ko. May pinagpustahan pa kami, at may paggagamitan pa kasi ako nun.

Lumapit ako sakanila. Napansin naman nila ako agad kaya humarap na siya sakin na may masamang tingin. I just gave him a smugged smile tapos inilahad ko yung kamay ko sakanya, hinihintay yung susi ng ipinusta niyang sasakyan.

"Sa susunod matatalo na kita. At akin ka ng tatlong araw, pagsasawaan kita. Tandaan mo yan" nagtatagis-bagang niyang sabi sabay bigay ng susi sakin. "Okay, basta galingan mo nalang sa susunod. Para hindi lang ako ang invited sa unit mo. Isasama ko pa kaibigan ko" pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako. Baka masapak ko pa yung bastos niyang bibig.

"Seriously, isasama mo pa talaga ako sa pustahan niyo. Thanks ha" natatawa pero may halong pagkasarkastikong sabi ni Miwa.

"Bakit ayaw mo?" tanong ko nang makarating kami sa may bar stool. Nag-order kami ng iced tea, pampawi sa uhaw. "On the second thought, wag nalang. Para magkaroon kayo ng quality time together" sagot niya sakin.

I cringed my nose at thought of being with some asshole, alone in his pad. Baka balian ko lang siya ng mga buto.

I just hissed at inabot yung inorder naming iced tea sa counter. Ito lang ang madalas naming inumin dito. Kahit tambay kami rito pagkatapos ng klase, hindi kami katulad ng ibang mga kaedad naming umiinom until they're all wild and wasted.

Outrow (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon