5: Confusion

43 2 0
                                    

Out 5: Confusion

Clef Jean Palma's POV

Nang maihatid ko si Rouge sa Orion Grande Hotel, hindi ko na nagawa pang makapagpaalam sakanya pagkatapos siyang salubungin ng mga hindi magkanda-ugagang kalalakihan na sa tingin ko bodyguard ng bata. Hindi na nakakapagtakang mayaman ang isang iyon, base palang sa pagsasalita, pananamit at ang kutis niya, he definitely grew with a silver spoon in his mouth.

Kabababa palang namin ng taxi 'non nang bigla nalang siyang kunin saakin ng mga bodyguard niya. Pinigilan pa nila akong makalapit kay Rouge na waring may masama akong intensyon sa bata. Nakahinga ako ng maluwag nang tawagin siya ng isa sa mga lalaki na 'Young master'. Pagkatapos ay hindi narin ako nagtagal roon at nagpasyang umuwi nalang muna.

Gayunpaman, hindi parin nawawala sa aking isipan yung nangyari kanina. Ang lapit-lapit namin sa isang malaking gulo.

Puro sigawan at putukan ng mga baril ang nakapalibot saamin kanina. Sinikap kong yakapin si Rouge hanggat maaari para hindi niya makita ang mga walang buhay na katawan ng kalalakihan sa kung saan. Nagkalat sila.. Mga walang buhay, mga armadong lalaki..

Nasaan ang mga pulis? Wala bang pipigil sakanila? Yan ang ibang mga tanong na gusto kong masagot saaking isipan.

Para kaming nasa isang pelikula kanina habang sinisikap na makalayo sa lugar na iyon. Hanggang sa makahanap kami ng masasakyan, hindi ko binitiwan ang kamay ng bata at ganoon rin siya saakin.

What the hell just had happened?

Pagkapasok ko ng kwarto ay hinayaan kong bumagsak ang aking katawan sa kama. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Ilang beses na akong nakakita o nasangkot sa gulo pero hindi ganoon kalaki. May mga pampasabog, may iba't-ibang mga armas, may mga nakakatakot na kalalakihan. Napansin kong malalaki ang katawan ng ilan sakanila at hindi rin nawala saaking paningin ang maraming tattoo sakanilang mga braso. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil nagawa ko pang obserbahan ang mga taong iyon, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang tattoo sa ilan sakanila. Banda iyon sa pagitan ng kanilang kanang leeg at balikat. Para iyong isang simbolo na nagsisilbing batayan nila sa para isang samahan. Nababalitaan ko ang ilang gulong nangyayari na hindi malayo sa nangyari kanina, pero iba pala talaga sa pakiramdam kung naroon ka sa mismong pangyayari. Posibleng sa isang iglap ay matamaan ka ng bala at iba pa. Napakadelikado. Kaya nakakaramdam ako ng awa kay Rouge at sa ilan pang mga kabataang nakasaksi sa gulong iyon, na sa mura nilang edad ay kailangan nilang makaramdam ng matinding takot. It was really a big commotion.

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa labas. Sumilip ako mula sa bintana ng kwarto at nakita si tanda na nagmamadaling maisara ang gate dala ang ilang mga plastic na sa palagay ko ay panibagong groceries. Bago pa man ako bumalik sa kama ay napansin kong sandali siyang napatingin sa aking gawi at pagkatapos ay tuluyan na siyang pumasok sa bahay. Nang mahiga ulit ako sa kama ay ilang minuto ko munang tinitigan ang kisame ng kwarto ko bago tuluyang matulog.

Nagising ako dahil sa lakas ng pagsara ng pinto sa kabilang kwarto. Iyon ang bakanteng kwarto rito sa bahay kung saan madalas ay natutulog si tanda. Naupo ako at nagkusot ng mga mata at napansing alas-nuebe na pala ng gabi. Hindi na masama sa pagbawi ng pagod kanina.

Maya-maya ay nakarinig naman ako ng nabasag na bote galing parin sa kabilang kwarto. Paniguradong lasing nanaman si tanda kung kaya't hindi na nakakagulat kung magkalat nanaman siya ng mga basag na bote ng mga alak. Minsan sa aking palagay ay nakakaramdam ng panic attack yan si tanda dahil may pagkakataong sobrang balisa siya at hindi mapakali. Hindi ko alam kung isa iyon sa mga posibleng maging reaksyon ng mga lasing pero.. nevermind.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Outrow (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon