Out 4: Rouge
Clef Jean Palma's POV
Halos isang linggo narin kaming hindi nakakapunta ni Miwa sa Orion. Sa mga nakaraang araw, sinasamahan ko siya para sa paghahanda ng enrollment and registration for college sports team sa Dunst University. Maraming papeles o requirements ang kailangan niyang asikasuhin at ipasa. Dalawang oras ang pagitan ng byahe mula sa village hanggang sa Dunst, kaya sobra kaming nakakaramdam ng pagod pagkatapos, isama narin doon ang paghahanap ng apartment na tutuluyan niya. Napagpasyahan kong hindi na muna pumasok ng college at maghanap nalang ng pansamantalang trabaho para makapag-ipon. Ayokong umasa kay tanda dahil wala naman akong aasahan sakanya sa totoo lang.
Hindi rin kami makahanap ng tsempo para pumunta ng Orion dahil kay kuya Den. May kung anong radar siya para mag-isip ng makakapigil saamin sa pag-alis. At kung ano ang mga iyon? Mga bagay na ilang minuto lang ay tinutulugan ko na. At dahil dyan ay may naisip akong ideya kanina lang.
Magtatrabaho ako sa Orion.
Hindi na siguro iyon masama, halos kabisado ko narin naman na ang mga costumers doon so no need to adjust more for the assholes.
Kasalukuyan naman akong naririto sa Pullman Football Field para panoorin ang bet game ng grupo nina Nate at Keiron laban sa mga college football players ng Pullman University, kung saan din nila balak talagang pumasok. Hindi man kami pumasok sa iisang campus nung High School ay masasabi kong may maipagmamayabang ang grupo nila. Alam kong matagal na silang naglalaro ng football pero hindi sila sumasali as varsity players. Nagpapakitang gilas lang sila sa mga katulad nitong bet games laban sa ibang High School and College football teams.
Hindi ko kasama si Miwa dahil may lakad sila ng kuya niya. Kung saan? Hindi ko na inalam pa para hindi sila mangulit na sumama ako. Hindi narin naman na ako tinitigilan nina Keiron na panoorin ang laban nila ngayong araw na ito kaya mas pinili kong ihalo ang sarili sa dami ng mga katulad kong teenagers na excited manood ng football game. This game isn't actually bad though.
"Hindi pa ba magsisimula?" tanong ko nang lumapit saaking kinauupuan sina Nate at Keiron pagkatapos nilang magpalit ng kanilang team jersey.
Lumingon muna sa likod ang dalawa kung saan naroroon ang kabilang team na nagwawarm-up at mukhang naghihintay nalang rin ng signal para sa pagsisimula ng laban. "In a hurry?" tanong ni Keiron with that smug smile in his face.
Binigyan ko lang siya ng blankong tingin at saka inilagay ang mga kamay sa likod ng aking ulo. Interesado ako sa magiging laro pero ang paghintayin ako ng halos dalawang oras na habang pinalilibutan ng naghihiyawang mga lalaki at babae, tsk I really wanted to get out of here.
And as if on cue, narinig na namin ang pinakahihintay na pito mula sa referee. Ang magkabilang grupo ay nagsama sama na para maghanda at ang mga manonood ay lalong nabuhayan at nagsimulang maghiyawang muli. Tinanguan ko lang yung dalawa as a sign of goodluck at tumakbo na sila palayo upang samahan ang kanilang team.
Binuksan ang Pullman University kahit bakasyon pa para sa laban na ito. Dahil ikinalat ang balita halos sa mga mag-aaral rito kaya mas marami ang suporta na nakukuha ng kabilang team. Gayunpaman, hindi padin makikitaan ng pagiging dehado ang team nina Keiron at Nate, knowing na nakalaban narin nila noon ang Pullman Football Team na ngayon ay maraming bagong players.
Nakaasign as Quarterback si Nate habang ang pinsan ko naman ay isa sa mga taga-block ng mga kalaban, ngunit kung minsan naman ay nagpapalit sila ng posisyon. Nakapwesto ako sa gilid lang ng field malapit sa bleachers ng team nina Keiron kaya mas maayos akong makakapanood mula rito. Maya-maya lang ay may naupo sa tabi ko. Isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa anim na taong gulang palang. Nakacrossed legs siya habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib at seryosong nakatingin sa field.