**moving on ongoing**

22 0 0
                                    

"Sino may killer smile?"

Napalingon kami ni Shane sa nagsalita sa likod namin. At nakita ko ang lalaking kinaiinisan ko. Oo tama kinaiinisan ko tlaga sya. Si Carl Devin, ang aking magiting na manliligaw DATI. Oo dati kasi basted sya sakin kasi alam nyo naman na si Carvin Dave talaga ang aking love..

Si Carl , mabait din naman, gwapo?? Hmm pwede na din. Matalino, nasa top section sya kaso para sakin super yabang nya. At actually crush sya ni Shane . Ewan ko lng kung bakit sya gusto ng kaibigan ko.

"Ah eh wala " sagot ni Shane na kasalukuyang ngbablush. Tsk.

" ano naman ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Wala napadaan lng ako. Sige alis na ako , mukhang mainit ulo mo ."

"Sige, bye" ang cold ko sa kanya non.. Ayoko tlga sa kanya eh.. Tapos umalis na sya. Eto namang katabi ko para namang sobrang nadisappoint.. Ang sama ng mukha eh.

"Oh anyare sayo?" Tanong ko

"Bakit sya umalis agad?" Sabi nya na nakapout pa

"Eh di sundan mo. Sus para yun lang eh. "

"Ewan ko sayo" sabi nya at inirapan pa ako ah.. Hmp!! Naku naman talaga.

*Louiese's POV*

Andito kmi ngayon ni Geoffrey asungot sa paborito kong fast food chain, haist ikakain ko na nga lang tong problema ko. Eto naming kasama ko Simula nung muntik na ako mgpasagasa sa truck di na ako tinitigilan. , lagi na nya ako sinasamahan. Ewan ko ba pero di na ako naiirita sa knya, konti na lng hehe.

Mabait naman pala sya , naiirita lang ako sa sobra nyang kakulitan. Actually cute sya.

"Oy bakit tahimik ka?" Tanong nya. Nakain pala kmi ng spaghetti . haha ang gulo nya kumain eh.. Kalat yung sauce sa labi nya. Napangiti tuloy ako ng di sadya..

"Oh? "

"Wala,"sagot ko "halika nga dito , " sabi ko sa knya tas kinuha ko yung tissue .

"Bkit?"

"Basta!! "

Lumapit naman sya tska ko pinunasan gilid ng labi nya.

"Ang kalat mo kumain ah. Daig mo pa ang bata." Sabi ko

"Hmp! In love kana sakin nuh"

"Loko, puputi muna ang uwak bago manyari un"

Baliw talaga toh. Kung ano pinagsasabi. Punong puno ng kayabangan sa katawan. Pero buti na lng nandito sya kundi baka nabaliw na ako ng tuluyan.

Mahal ko si Jon , sobra ko syang mahal kya namn sobra di akong nasaktan nung nalaman Kong may iba na syang girlfriend. Ewan ko kung kaya ko syang kalimutan..

A/N: pasensya na po sa typographical error.. Hirap po kasi mgtype he he.. Sana po magustuhan nyo. Keep reading po at enjoy kahit panget yung story ..

ikaw ang true love koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon