*Geoffry's POV*
Hmmm.. ang lambot naman ng unan ko, ang sarap pa tuloy matulog hehe.. kaso maliwanag na eh ,pero teka di ko ata kwarto ko. Tska ko lng naalala na andito pala ako sa kwarto ni Louisse.
Tulog pa nga eh. Sinalat ko yung noo nya , hay buti bumaba na lagnat nya. Kagabi kase nawalan na sya ng malay dahil sa taas ng lagnat nya.
"Hmmm.."ani nito at biglang humarap sakin. Ang ganda nya pala sa malapitan. Namalayan ko nalang ang sarili kong hinahaplos na ang makinis nyang pisngi..
Sa sobrang tagal kong nakatitig sa knya , di ko namalayan na gising na pala sya.
At bago pa man kami makapagsalita biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang may edad na babae na sa tingin ko ay mama nya..
Ang masaklap lang nadatnan nya kaming magkatabi sa kama.
"Louise!!!anong ibig sabihin nito??!!" Galit at gulat na tanong nito.
"Ma, teka mali ang iniisip nyo" sagot ni Louise
