"Memory"
***
Sa Hapagkainan...Panaginip lang pala yung kanina... Akala ko mabubuking na ako! Syet! Ayoko pa mag-end of the world!
'Di ko pa nga nakikilala 'yung mapapangasawa ko eh, I mean yung mapapangasawa ni ate.
Ano ako? Bisex? Nde po ito 'yung iniisip niyo 🙄!
Nandito na kami sa hapagkainan, umaga na kase. Kaya kakain kami nang breakfast.
Kung alam mo lang kung ano breakfast namin, for sure maglalaway ka.
Nde ako nakasuot ng dress, make-up at kung ano-anong mga pinaglalagay nila Madam Blanca sa akin. Alangan! Nasa hapagkainan kami lahat.
Ang haba-haba nang lamesa namin pero kaming tatlo lang ang nakaupo at kumakain.
Katapat ko si Ate at nasa gitna naman nakaupo ang Hari, si ama. Ang tahimik nila ngayon. Dati nung nandito pa si mama, ang saya-saya namin.
"Ah, A-ate paabot ng k-kanin" kinakabahan kong tugon. Ang tahimik eh. Nakakatakot na rin baka kung ano pa sabihin ni ama..
"Bakit ka pa nagpapaabot sa Ate mo?! Madaming mga katulong na pwede mong tawagin!" galit na tugon ni ama.
"P-pasensya na po, k-kamahalan" tugon ko at yumuko.
Dati lang tinatawag ko siyang Papa, ngayon Kamahalan. B-bakit naging alipin na ang tingin sa amin ng Hari?
I stood up bravely. Agaw-pansin ang tayo ko dahil sa katahimikang bumabalot sa kapaligiran.
"K-kamahalan at mahal na prinsesa, h-hindi pa ako nagugutom kung kaya't tutuloy na lang ako sa aking silid upang mag-aral" I bravely said.
Hindi ako makatingin kay ama at kay ate nang deretso. Iba magalit si ama, kaunting pagkakamali mo lang sasapakin ka na niya. Kahit babae o lalaki, wala siyang pakealam.
Aalis na ako, sakto namang nag-salita si Ama.
"Kenzo. Dadalo ang inyong mga tiyahin at tiyohin, pati na rin ang inyong mga pinsan sa Lunes";
Napalingon naman ako kay ama..
"B-bakit sila dadalo, kamahalan?",
"Posibleng buntis ang iyong kapatid";
B-BUNTIS?! B-BAKIT?! BAKIT BUNTIS?!
WRITER'S POV
***
A few moments later..."ARGH! AH! ARGGHH!!" paulit-ulit na tugon ni Kenzo habang sinusuntok ang pader sa kwarto niya.
"AHHHH!!! ANO BANG PROBLEMA NANG PADER NA TOH?! BAKIT HINDI MAN LANG MASIRA?!" sigaw niya.
Tinignan niya ang mga kamay niya nanginginig at duguan. Hindi na rin niya napansin ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata.
Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok at napa-upo sa sahig. Umiiyak...
He fell asleep..
BINABASA MO ANG
Prince In Disguise [On-going]
FantasyAko si Prinsipe Kenzo Crimaosa VII. Ang pinaka gwapo at magaling na nilalang sa buong mundo. Syempre joke lang. Pero sa aming kaharian, ang kaharian ng Ross ako ang laging habulin. Hanggang sa dumating ang panahon na nagkasakit ang kapatid kong si...