Curiosity Kills Me (Chapter 2)

9 0 0
                                    

UNIFORM


Nakabusangot pa rin ang aking mukha nang dumating ako sa bahay at naabutan si mama na nakaupo sa labas ng bahay. Agad naman akong nagmano sa kamay niya.


"Mano po, Ma." bungad ko sa kanya.


"O, anong nangyari sa uniform mo?" may halong pagtataka ang kanyang mukha nang tanungin niya ako.

"bumili kasi ako ma kanina nang kape sa vendo, tapos palabas na sana ako ng school nang bigla akong nabangga ng isang walang modong lalake kanina. Naghaharutan kasi sila sa daanan" naiinis kong paliwanag kay mama na animo ay batang nagsusumbong habang hindi pa din maipinta ang aking mukha.

"Sige na, pumasok ka na sa loob at magbihis ka. labhan mo na agad 'yang uniform mo, para hindi magmantsa." Sabi niya sa akin at tumayo na siya at iginiya na rin ako papasok sa loob ng bahay. Ako na ang naglalaba ng mga damit ko simula nung highschool pa lamang ako. Ayaw ko na kasing iasa kay mama ang mga damit ko dahil nakakahiya at dalaga naman na ako at kaya ko na rin naman ito.

Pumasok na agad ako sa kwarto at inilapag ko na ang aking mga gamit sa aking lamesa. Habang hinuhubad ang aking suot na sapatos. Binuksan ko ang aking drawer at kumuha nang damit na pambahay. Isang maluwag na white t-shirt at isang maong na shorts ang aking kinuha. Hinubad ko na ang aking uniform at agad na nagpalit. Ipinusod ko ang aking maitim at mahabang buhok. Pagkatapos ay kinuha ko na ang uniform ko na aking hinubad at lumabas na ulit ng kwarto. Dumiretso agad ako sa kusina papunta sa likod ng bahay. Doon kasi ang area namin ng paglalaba. Kumbaga parang isang kwarto sya sa labas. Tanging mataas na pader lamang ang tumatakip sa bahay namin at sa area na iyon. Agad kong nilagay sa automatic naming washingmachine ang uniform ko at nilagyan ito ng sabon saka ko na ito pinaandar. Nagpasya na akong iwanan ang aking labahan dahil wala naman na akong ibang gagawin doon dahil automatic naman ito. Kusa na kasi itong magsasabon tapos kusa din magdedrain para magpalit ng tubig saka ito kusang magbabanlaw ng dalawang beses at saka huli itong magdadryer ng kusa. Iba na talaga ang teknolohiya natin ngayon, napapagaan ang lahat ng ating mga gawain.

Pumasok ako sa loob ng bahay at hinagilap ko ang aking cellphone sa aking kwarto at nagpatuloy na ako na maupo sa may sala. Binuksan ko ang aking cellphone saka ako nagbrowse nang kaunti sa aking social media app. Wala naman bago, ganoon pa din ang social media. Toxic pa rin, puro rants lang ang nababasa ko kaya nagpasya na lang akong ilog-out ito at nagbukas na lamang ng t.v..

Habang nanonood ako ay siya namang pagtunog ng aking cellphone, dahilan para kunin ko ito at tignan.


1 messaged received.


ito ang nakita ko sa notifications bar ng aking cellphone. ini-scroll down ko ito para alamin kung sino ang nagtext sa akin.

Ghorl, nagmeet na kami ni Oppa! Pogi niya. Feeling ko magiging kami nito.-si Macchi lang pala. Nagupdate pa ang bruha sa akin tungkol sa pakikipagdate niya. Oppa ang tawag niya sa mga lalaking  nakikilala niya na maitsura sa paningin nya. Mahilig kasi kami pareho sa Kdrama.

Inilapag ko ang aking cellphone at hindi ko nireplyan si Macchi. Alam naman niyang tamad ako magreply kaya wala lang sa kanya kung wala akong reply. Napaisip tuloy ako kung ano bang meron sa Dating apps at humaling na humaling ang bruha sa ganoon. Hindi naman sa hindi ako sang-ayon doon. Ang sa akin lang hindi ba ang hirap pag 'di mo lubusang kilala ang isang tao tapos makikipag kita ka na lang bigla. Delikado pa naman sa panahon ngayon, naglipana na ang mga manloloko. Mayroon nga ang tagal nang magkasama sa buhay, pero naloloko pa din. Yun pa kayang sa internet mo lang nakilala? Di ba?

Tatanungin ko nga bukas ang bruha tungkol doon. Curiosity kills me. Humanda siya sa akin bukas. Tatadtarin ko siya ng tanong at hahanapan ko siya ng magandang dahilan para ipagpatuloy niya pa ito.  Kapag may gusto akong alamin marami akong tanong, para bang magsasagot ka nang isang survey pag ako ay nacurious sa dami ng tanong ko.

Hindi naman ako mahilig sa socmed, mas hilig ko pa ang magbasa ng libro, makinig ng music o di kaya naman ay manood ng movies or t.v. Sabi nila intoverted daw ako pero pag nakilala mo naman ako at naka close at naging komportable ako sa iyo, ay nako mas malala pa ko sa extroverted na kilala mo. 


Lagi lang ako nasa loob ng bahay, kung walang mag aaya sa akin na gumala ay di ako lumalabas ng bahay except siyempre kung papasok sa school.

Habang nakatuon ang aking mata sa t.v. at nagmumuni tungkol kay Macchi ay naalala ko yung nilabhan ko.Pumunta agad ako sa likod ng bahay upang tignan ito. Nagbanlaw na siya magisa at ngayon ay nagdadryer na. Hinintay ko na lamang iyon para maisampay ko din agad at nang may maisuot ako bukas.

Naalala ko na naman ang mukha ng mokong na dahilan kung bakit ako naglalaba ngayon. Rumehistro sa aking isipan ang itsura nya. ang mga pilik-mata nya, ang tindig nya. Ang tangkad din pala ng mokong. Pati ang ilong nya ay matangos din animo parang may lahi itong kastila. At ang mga labi nya ay manipis na mapula na daig pa ata ako sa paglalagay ng lip tint. Kahit moreno siya ay kitang kita na mapupula ito at parang malambot ang kanyang mga labi. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang inaalala ang pagmumukha ng mokong na iyon. Hindi pala siya maitsura lang. Gwapo pala ang tamang description para sa kanya kaya lang ay walang manners. Hmmp!

Nainis na naman ako tuloy bigla. Sana ay hindi ko na siya makita bukas. Nasambit ko na lamang ito sa aking sarili.

YOU'RE MY DESTRUCTIONWhere stories live. Discover now