A/N: (Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.)
**********************************************************************************************
"Huwaaaaaaaaagggg! Huwag mo kong iwan!"- Pilit kong sinasabi ang mga katagang ito ngunit tila hindi nya ako naririnig
Para bang kinalimutan nya na lang ang lahat at tuluyan akong tinalikuran. Tuloy tuloy na bumadya ang mga luha sa aking mga mata dahil sa sakit na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung saan at paano akong muli magsisimula.
"Ate! Ate! Gising ka na! Malalate ka nyan!"
Nagising ako sa pagkakayugyog sa akin ni Cara na kapatid ko. Minulat ko nang bahagya ang aking mga mata upang masilayan sya, ngunit naramdaman kong tila may likidong tumulo sa aking pisngi. Kinapa ko ang aking mukha at tuluyang inalis ang tila luha. Naalala ko sa aking panaginip na umiiyak pala ako sa diko malamang dahilan. Panaginip lang pala ang lahat."Sige, babangon na ako."
Walang gana kong sabi kay Cara. Antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog ng mahaba. Sinipat ko ang aking cellphone upang tingnan ang oras. Pagkabukas ko ay bumungad ang mga numerong 7:30. Alas nueve pa naman ang pasok ko sa school pero bumangon na ako para mag-asikaso.
Tatamad tamad pa akong bumnagon at hihikab hikab pa akong nagligpit ng aking kama. Binuksan ko ang aking drawer para kunin ang plantsado kong uniporme. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang tuwalya at nagtungo na sa banyo para maligo.
Lumabas na ako ng aking kwarto na handa na sa pagpasok. Nakita ko si mama na abala sa pagluluto ng aming almusal. Agad naman akong umupo sa mesa at nagsimulang magtimpla ng kape. Lumingon ako kay mama habang nagtitimpla, sabay tanong ko,
"Ma, nag-kape ka na ba? Gusto mo pagtimpla kita?"
Hinintay ko siyang sumagot. Hinarap ako ni mama."Nag-kape na ako kanina pa. Mag-almusal na kayo para makapasok na kayo at nang di kayo malate." tugon ni mama sa akin na agad ko namang sinunod.
Pagkatapos kong mag-almusal ay nagpaalam na ako kay mama.
"Ma, alis na po ako." sabay beso sa kanyang pisngi.
Lumabas na ako ng bahay, Habang ako ay naglalakad patungo sa sakayan ay tinignan ko ang relo sa kaliwa kong kamay.. 8:23am na. nagmadali na akong maglakad at nag-abang na nang masasakyang jeep dahil baka traffic at malate pa ako papunta sa pinapasukan kong university..ang IZIQUIERDO NATIONAL UNIVERSITY.
Nakarating na ako sa University at dali dali na akong pumasok sa silid aralan nang una kong subject. Buti na lang at hindi ako nalate. Wala pa ang Professor namin at nagkakagulo pa ang mga kaklase ko. Naupo na ako sa aking upuan. Nang makaupo na ako ay sakto namang dumating si Macchi ang kaibigan ko.
"Huy, ghorl may nameet ako na guy. Oppa!" anas nya habang kinikilig na nagkukuwento. Hindi na ako nagtataka sa ganyang kilos nya dahil mahilig si Macchi sa social media apps at mga dating apps kung saan sya nakakakilala ng mga lalaki.
"Saan mo naman nameet yan?" tanong ko kahit alam kong sa dating app naman nya iyon nakilala.
"Sa Moon, hehehe bagong dating app dzai!" nakangiti nitong sagot sa akin.
"Nako, tigil-tigilan mo na nga yang dating app na yan, walang forever dyan. Mabuti pa mag aral ka na lang." naiirita kong sabi sa kanya. Lagi ko na kasi syang pinagsasabihan na tungkol dito.
"Try mo kaya tee, for fun lang naman ito, para di boring ang life!" sabi nya na nakatitig na sa cellphone nya.
Napabuntong hininga na lang ako sa kanya at sinimulan ko nang magbasa ng libro at baka magpasurprise exam na naman ang aming professor.
Natapos ang lahat ng klase ko. Alas kwatro na ng hapon kaya naisipan kong bumaba sa canteen at bumili ng kape sa may vendo. Mahilig kasi ako magkape buti at di ko nararamdaman ang magpalpitate kaya kahit anong oras at araw ay nakakapagkape ako.
Bumaba ako mag-isa sa canteen dala ang mga gamit ko. Si Macchi ay nauna nang umuwi dahil may lakad pa daw siya. Alam ko namang makikipagkita lang siya dun sa bago niyang nakilala sa dating app.
Nasa harap na ako ng vendo. Naglagay ako ng cup sa vendo at kumuha ako ng barya sa aking bulsa at sinuksok iyon. Pagkapuno ng cup ay agad ko itong tinikman na dahilanpara mapaso ang aking dila dahil sa sobrang init.
Naglalakad na ako sa hallway papuntang main gate ng school dahil didiretso na ako sa paguwi. Nilalasap ko pa ang sarap ng kapeng binili ko habang ako'y nagalalakadnang biglang..
BBBBBBBOOOOOOGGGGGG!
Nagulat at napatili ako dahil may bumangga sa aking harapan dahilan para matapon ang kape ko sa aking uniporme. Ramdam ko ang sobrang init sa aking katawan. Tinignan ko ang nakabangga sa akin. Isang walang modong lalaki at ngingisi pa sa aking harapan. Kaya naman lalo akong nairita dahil sa ekspresyon ng mukha na pinakita nya. Wala man lang bahid ng concern kahit sya ang may kasalanan. Kaya nagsimula na akong magsalita.
"Bulag ka ba?! Ha?! Tignan mo ginawa mo sa akin at sa kape ko! sa susunod kasi wag kayong maghaharutan sa daanan!" sigaw ko sa kanya dahil nagtatawanan sila ng kanyang mga kaibigan habang naglalakad kaya nila ako nabangga.
"Okay! Miss Chill lang. Pasensya ka na. Hindi naman sinasadya eh." pagkatapos nya itong sabihin ay agad nyang nagawang kumindat sa akin dahilan para tuksuhin siya ngkanyang mga kaibigan.
"Yieeeeeeeeeeeee!" sabay sabay nilang sambit. Tinitigan ko sila ng masama at kinabisado ko ang mga pagmumukha nila lalo na yung nakabangga sa akin. Habang nakatinginako sa kanya ay siya namang pagsuri ko sa pagmumukha niya. Maitsura ang mokong, matangkad at moreno. Mahaba ng konti ang pilik mata at may katangusan ang kanyang ilong.
"Buwisit!" Iyon na lamang ang nasabi ko sabay alis na habang pinupunasan ko ang aking uniporme. Dismayado akong umuwi ng bahay ngunit diko maalis sa isipan ko angitsura ng mokong na iyon. Maitsura nga bastos naman. Hays. Napabuntong hininga na lamang ako.
YOU ARE READING
YOU'RE MY DESTRUCTION
Storie d'amoreSobrang minahal ni Glace si Breve kaya naman binigay niya ang lahat dito kahit pa parati siyang nasasaktan nito. Tiniis ni Glace ang lahat lahat kay Breve at naging sunud sunuran sya dito. Ngunit nang magkaanak sila nito ay lalong lumabas ang tunay...