NBSB (Chapter 4)

7 0 0
                                    

CRUSH


After ng university week ay bakasyon na pala. Wala na naman akong gagawin sa bahay sa buong bakasyon kundi manood lang nang Kdrama. Hindi naman kasi kami nagbabakasyon at saka 2 weeks lang naman ang break namin tapos enroll na naman for the next semester.

Ito ang last day namin sa school. Friday na. After nito bakasyon na, makakapagpahinga na rin ako at makakatulog na mahaba-haba. Palagi kasing maaga ang gising ko kaya pakiramdam ko eh lagi akong kulang sa tulog.

"Dzaaaaaaaiiii!!!"-umaalingawngaw ang tili ni Macchi habang patakbo sya sa kinaroroonan ko. Paakyat na kami sa classroom namin. Wala naman na kaming gagawin, mag-aatendance lang dahil nga last day na ng pasok, pinili ng mga professor namin ngayong araw na 'wag na muna mag discuss at instead attendance na lang daw.

"Ano ba yun? mukhang good mood ka ah? kung makatili ka naman." -nakakunot ang noo akong nagtanong sa kanya.

Bumulong siya sa akin at nagulat ako sa sinabi niya. Sabay tapik ko sa balikat niya na siya namang pag angal nya protesta nya dahil nasaktan siya.

"Siraulo ka talagang babae ka. kung ano-ano inaatupag mo tsk!" sambit ko sa kanya.

Nagulat ako sa sinabi niya na Boyfriend niya na daw yung lalaking nakilala niya nung isang araw lang sa dating app. Di man lang nagpabebe, sinagot agad.

Ni hindi nga siguro nila alam kung anong favorite color ng isa't isa tapos sila na? agad agad. Kaya laking gulat ko sa sinabi niyang iyon. Bumawi siya ng tapik sa aking balikat ngunit mahina lang iyon. Pabirong tapik lang dahil nakangiti pa rin siya sa akin. Parang loka-lokang nangingiti mag-isa.

"sa wakas may jowa na ulit ako, nakakamiss din kasi yung may nag-aalala sayo, may nag-aalaga." kinikilig nitong sambit habang kagat kagat niya ang kanyang mga labi.

"Gaga ka, bakit di ka ba inaalagaan ng mama mo? I'm sure laging nag-aalala si tita sayo tuwing ginagabi ka nang uwi." napansin kong wala na gaanong tao sa classroom namin habang nag-uusap kami ni Macchi. Pumasok na kami sa classroom para mag-attendance. Wala ang professor namin, tanging ang Student Assistant niya lang ang nasa harapan at hawak hawak ang isang yellow paper. Yun na siguro ang attendance namin. Agad naman kaming lumapit sa kanya at nagsulat na nang aming pangalan at pagkatapos ay pumirma. Lumabas din kami agad ni Macchi.
"Baliw ka, kaya di ka nagkakajowa eh. Siyempre, iba pa din yung love, affection and care sa opposite sex natin noh. ayaw mo bang maexperience ang kiligin man lang?" pataray niyang sagot sa akin. Lagi siyang ganyan kapag di ako sumasang-ayon sa kanya.

"Wala pa sa isip ko yan Macchi, ang nasa isip ko ay mag-aral nang mabuti para makatapos at makahanap na ng trabaho agad, yun."-sabi ko sa kanya. ito rin naman talaga ang plano ko at ito rin naman talaga ang gusto ng mga magulang ko. Sino ba namang magulang ang ayaw makatapos ang anak di ba. Gusto ko nang makatapos at makapagtrabaho para makauwi na agad dito si Papa. OFW kasi si Papa, 10 years na siya sa Dubai. Every Christmas lang sya umuuwi sa amin. So sa loob ng isang taon December lang namin siya nakakasama at saglit lang iyon dahil 2 weeks lang ang binibigay sa kanilang vacation tapos balik na ulit doon. Ito ang dahilan kung bakit nagmamadali na rin ako makagraduate para rin masuklian ang paghihirap ng aking Papa at Mama.

"Boring ng life mo tee, lagyan mo naman ng thrill kahit isang beses lang. Try mo kaya mag-install ng Moon? Try lang, wala naman mawawala. Kung ayaw mo naman ng Jowa at least kahit new found friend makakita ka diba." pagkukumbinsi nito sa akin.

"Wala ka bang crush?" pagtatakang dugtong nito.

"Meron, syempre tao din ako noh!" sabi ko sa kanya. Bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha at lumapad ang kanyang mga ngiti.

"Sino?! Taga-dito sa school naten?! Ilang taon? anong course?" sunod-sunod nyang pag uusisa sa akin. Ako naman ay natatawa sa naging reaksyon niya.

"Si Jimin, Patay na patay talaga ako sa kanya be!" Kinikilig kilig ko pang sinabi sa kanya nang maramdamaman kong sumakit ang ulo ko dahil sa paghampas niya. Kaya namannapayuko ako sa sobrang sakit.

"Aray ko naman be! Sakit aa!" Pagrereklamo ko sa kanya dahil sa sobrang sakit. Binatukan niya ako dahil si Jimin ng BTS ang tinutukoy ko, ang sikat na K-pop idol group ngayon sa South Korea. Lodi ko kasi ang BTS at bias ko ay si Jimin.

"Abnormal ka talaga kahit kelan eh. Kahit habang buhay mo pang pagpantasyahan yun, di mo yun magiging Jowa. Maghanap ka na dito sa Pinas. Kaya NBSB ka pa din e." reklamo nito sa akin.

Pareho na lamang kaming natawa sa pinag-usapan naming dalawa.Palabas na kami ng gate dahil pauwi na rin kami. Sa wakas bakasyon na bukas. 


"Ghorl, paano? text or chat na lang. Pag nagmessage naman ako sayo magreply ka naman, please? Kahit emoji lang gamitin mo yang cp mo." pagbibilin nito sa akin. 

"Tawagan mo na lang kaya ako. Pag tawag isang pindot lang eh, pag message nakakatamad magtype." suggest ko sa kanya.

"Wow?! Teee! Jowa mo ako?! Ha?! Tawag talaga? baka gusto mo rin video call tayo o skype?"
sarcastic nitong sabi sa akin habang tumatawa.

Tawang tawa ako sa kanya kaya lalo ko pa siyang inasar, "pwede rin naman videocall na lang, may skype din ako dahil yun ginagamit namin kay papa."

Nakasimangot na siya sa akin habang ako ay tawang tawa sa kanya, kaya naman nagbeso na kami sa isa't isa at tuluyan nang nagpaalam.

Nag-abang naman ako ng masasakyang jeep para makauwi na rin. Habang nag-aabang ay naalala ko ang pinag usapan namin ni Macchi, tungkol sa pagboboyfriend.

Nakakakilig naman talagang isipin ang magkaroon nun, pero di pa naman ako ready at desperada para maghanap nun. 

Pero ano kaya feeling ng may nakakausap na lalaki? Mostly kasi puro girls ang friends ko hindi ako pala-kaibigan sa mga lalaki dahil nahihiya ako at minsan eh natatarayan sila sa akin kaya siguro walang lumalapit. Wala rin akong alam na may nagkakacrush sa akin.

Nakasakay ako ng jeep habang iniisip ang mga bagay na iyon.



YOU'RE MY DESTRUCTIONWhere stories live. Discover now