Trust Issues (Chapter 6)

7 0 0
                                    

Installed

Hapon na nang matapos akong maglinis sa aking kwarto. Buti naman at naging productive kahit papaano ang araw ko sa unang araw nang bakasyon.

Hinagilap ko ang aking cellphone at naupo ako sa kama upang makapagpahinga. Napagod din akong maglinis at mag-ayos ng kwarto ko. Napagpasyahan kong buksan ang aking cellphone at tignan kung may nagmessage sa akin.

Inopen ko ang messages, wala naman kahit isang message. Pagkatapos ay naglog-in din ako sa social media ko, wala pa din namang bago. Hindi naman din kasi ako mahilig magupload o magbabad sa internet. Kumbaga para sa akin pang music, pangkuha ng picture, and pang contact lang ang gamit ng cellphone ko.

Habang kinakalikot ko ang aking cellphone, naalala ko ang dating app na sinabi sa akin ng aking kapatid at pati na rin si Macchi.. ang Moon App.

Sinubukan kong magdownload na din dahil nacucurious ako kung anong meron at lahat ay humaling na humaling dito. Nagsimula nang mag install ang app sa aking cellphone. Nang matapos nang mag install ay agad ko itong binuksan at nagsign up. Hindi ko inilagay ang totoong mga personal details ko, lahat binago ko mula sa aking pangalan hanggang sa kung saan ako nakatira, pati na rin ang profile picture ko ay iniba ko. Para sigurado na hindi ako makikilala.

Natapos na ako magsign-up at maya-maya lang ay may nakamatch na agad ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Maya-maya ay nagchat na rin ang nakamatch ko.

Hi. How are you? So, you are my match.

Yan ang bungad niya sa akin sa chat. Hindi ko muna pinansin ang message ng lalaki na iyon. Sa halip ay tinignan ko muna ang profile niya. Panigurado hindi rin niya totoong information ang nilagay nito.

Pocholo Cruz
20 years old, interested in women, best cook, romantic lover and cute.

Pagkatapos kong mabasa ang kanyang profile ay bigla naman akong natakot. Kakaiba din naman po pala niya ibenta ang kanyang sarili sa app na 'to, natawa ako sa description na nilagay niya hahaha.

Binalikan ko na agad yung message ni Koya. Anyways, chat lang naman to, at hindi naman niya ako makikilala dahil iniba ko nga yung information ko at malamang baka siya ganoon din. Kaya tiyak ako na hanggang dito lang kami magkakakilala at hindi sa personal.

Nag-isip ako ng irereply ko sa kanya. Maya-maya pa ay nagtipa na ako sa aking cellphone.

Hi. I'm good. Thanks for asking. Anyway, anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?

Ito na ang message na nacomposed ko at saka ko pinindot ang send button.

Hindi ko pa na-eexit ag chatbox namin ay naseen na agad niya ang messaged ko na tila ba hinihintay niya ang reply ko sa kanya. Mabilis siyang nakapagreply sa akin.

Hm. still studying. How 'bout you?


Same. College?

Yea. Engineering. You?

Hm. Business ad.

At nagtuloy-tuloy na nga ang palitan namin ng messages. Inisip ko pa kung tataungin ko ba siya kung saan siya nag-aaral pero naisip ko baka hindi niya ito sabihin kaya minabuti ko na lang na huwag nang itanong at sagutin na lamang ang tanong niya.

Ilang saglit lang naputol ang usapan namin dahil hindi pa siya nagrereply. Parang na end na kasi ang conversation namin sa last na reply ko sa kanya dahil hindi naman na ako nagtanong pa.

Isinara ko muna ang chatbox namin at patuloy na inexplore ang app.
Tiiiiiiinnnggggg!


Nagnotify agad ang message niya. Binuksan ko ito at napatitig ako sa screen ng aking cellphone dahil sa nabasa ko.

Hm. Are you single or in a relationship?


Ang bilis naman po pala ng galawan ni Koya. Inisip kong mabuti kung ano ang irereply ko sa kanya. Kung sasabihin kong single eh para naman lumalabas na naghahanap ako ng jowa, well in fact eh kausap lang naman ang hanap ko. Kung sabihin ko naman na in a relationship baka isipin niya naman na two-timer ako o kung ano pa man. Napadesisyunan ko na lang na ito ang sabihin.

This app is really nice. Don't you agree?

Sinubukan ko lang na ibahin ang topic para hindi ko sagutin ang kanyang tanong. Ang totoo naman eh sinubukan ko lang naman talaga.

Yup. Maganda nga itong app. Madami kang makakausap na iba't ibang tao. So, are you single?

Napatapik na lang ako sa aking noo, dahil andun pa din yung tanong niya sa message niya. Mukhang hindi titigil ang mokong na ito kaya sinabi ko na din na single ako para tumigil na siya, tutal di naman niya malalaman kung sino ako.

Makulit ka din po pala eh ano. :) Yep. i am single. why are you asking though?

Iyan na lang ang naireply ko sa kanya. Alam ko naman na ang sagot sa tanong ko. Hindi naman kataka-taka na naghahanap itong mokong na ito ng jojowain sa app na ito.

Maya-maya pa ay nakapagreply na din agad siya. Ako lang ata ang kausap nito sa sobrang bilis magreply.

HAHAHAHAHAHA. Hindi naman po. Just asking lang po. Malay mo maging tayo.

Natawa na lamang ako sa message niya. Ang taas din naman pala ng self-confidence ng mokong. Pero nagtaka ako sa sarili ko tila ba nawiwili ako sa pakikipag-usap sa kanya at hindi ko na namalayan na gabi na pala. Kaya minabuti kong huwag na siyang replyan at baka saan pa mapunta ang usapan namin dalawa. Alam na alam ko na kung saan ito papunta.

Wala pa naman akong experience na magkaroon ng Jowa pero alam ko na ang mga ganitong istilo ng mga lalaki dahil na rin sa kwento ng aking mga kaibigan na nagkaroon na ng Boyfriend.


I learn from the experiences of the people around me. I witnessed every heartbreak of them sa tuwing magbebreak sila sa kanya kanya nilang mga jowa, lalong lalo na ang kaibigan kong si Macchi. Kaya naman ingat na ingat ako sa mga ganitong bagay. Hindi ko alam kung bakit may trust issues ako sa mga lalaki samantalang wala pa naman akong experience. NBSB pa si ateng nyo hehe.

Siguro gusto ko lang kasi siya na ang First and last. Hindi ba ganito naman ang feeling kapag wala ka pang nagiging jowa. Gusto natin na isa lang at hiling natin umabot ito sa "I Do." at hindi sa "Magbreak na tayo."

YOU'RE MY DESTRUCTIONWhere stories live. Discover now