Sister Goals

3.3K 19 0
                                    

Genre: Fiction
Dedicated to Anna Writes

Nakaranas ka na ba ng tunay na pagmamahal galing sa kaibigan mo?

Nakaramdam ka na ba na kahit di mo kadugo ang turingan ninyo parang magkapatid?

May mga bagay kasi na akala natin impossible at di mangyayari pero pag hinayaan mo malalaman mo na totoo pala basta maniwala at magtiwala ka.

"Miss Hellen okay na po. We will have photoshoot naman po sa garden area," saad nito.

"Thanks! Papunta na rin ako ayusin ko lang 'tong make up at susuotin ko." sagot ko.

I am a model of Philippine Sunshine Organization were all the places and products are involved and I am Hellex Synthecia.

Tumungo na nga ako sa nasabing lugar we take different shots with different angles. Pose dito pose doon. I'm getting tired and by tommorow my book signing pa kami ni Anna. Kaya naman i-handle basta know your priorities even honestly hetic yung schedules ko.

Natapos na ang photoshoot ko kaya inayos ko na ang sarili ko at mga gamit ko. gusto ko na rin magpahinga para bukas na book signing namin.

You received 1 message.

I looked at my Iphone 11 at nagtext nga sakin si Anna.

Sis? Kamusta photoshoot? Rest na maaga pa tayo bukas ako na dadaan sa inyo para ako na magdrive.
(Received 8:00 p.m)

Napangiti ako ng makita ito, sobrang caring and sweet talaga ni Anna. She's kind of my friend na kakaiba but for me she's my ate.

Yes sis!  Kapagod but pauwe na rin naman ako. Excited nako makita lahat ng bb's fan ko and signing the Part 2 ng My Pervert Boyfriend. Sige sis, See you tomorrow mwa!💗
(Messages Sent 8:02 p.m)

Nagdrive na nga ako pagtapos kong iwanan siya ng message kailangan kasi maaga kami bukas.

She's Anna Writes my one only besty. Bestfriend kami since nung mga bata pa kami parehas kasi kaming solo na anak kaya talagang para kapatid na ang turingan. She's a writer also like me and busy din siya sa restaurant niya.

Nakarating na nga ako sa bahay, hindi na ako nag atubili na kumaen pa sa halip I do my night routine para makapagpahinga.

Kinabukasan, naghanda na nga ako dahil maya maya na andito na rin si Anna wala akong sinayang na oras dahil sa totoo lang excited na'ko makapunta sa book signing naming dalawa.

Natapos na'ko maghanda at narinig ko na rin ang busina ng kotse nito.

Bumababa na ako at sinalubong siya.

"Sis!" Masayang bungad ko sa kanya.

"Oh, ready ka na pala! Buti naman sige tara na baka abutin pa tayo ng traffic eh," sambit nito.

Sumakay na nga ako sa kotse, marami kaming napag usapan iba iba sa photoshoot ko at sa kanya naman ang kabusyhan niya sa Restaurant na pinundar ni Tito bago kto tuluyang mamaalam.

Nakarating na rin kami sa nasabing book signing at ito'y ginanap sa Mall of Asia (MOA) sa labas pa lang ang haba na ng pila di tuloy mawala sa isip ko ang susunod na mangyayari.

Bumababa na nga kami at nagtungo sa area namin. Ilang minuto din ay nagsimula na. Taon taon nagaganap itong book signing namin ni Ate Anna.

Mabuti nga nasisingit ko pa sa schedules ko.

Masaya kami at talagang sobrang daming kabataan ang nagsidalo. Sunod sunod na nagpapirma at nagpapicture wala naman akong ginagawa kundi gawin ito dahil alam kong yun ang dapat at pasasalamat ko na rin sa kanila.

Nagpalaro kami at nagbigay ng ilang give away dahil iyon din talaga ang surpresa namin para sa kanila. Nakakapagod pero worth it lalo na makikita mo sa kanila yung totoong saya at ngiti sa labi nila.

"Hello po ate Angge, ang galing ninyo po at ang ganda po ng stories ninyo," ani ng babaeng fans ko rin.

"Salamat bb's dahil yun sa inyong mga suporta, Ano pala pangalan mo?" takang tanong ko.

"Bea po ate Angge. Salamat po!” Pagpapakilala nito.

Ngumiti ako sa kanya bago siya umalis, Ate Angge ang tawag nila sa'kin yun kasi yung pen name ko or yung pagkakakilanlan sa akin.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Ate Anna. Kausap din niya ang iilan niyang mga fans at di ko lubos na maisip na naabot na naman itong pangarap na ito.

Bago matapos ang nasabing event nagpakain din kami parang pasasalamat na rin namin sa fans namin at naisipan na rin naming umuwe pagkatapos ng lahat.

"Sis? Tara na! May lakad pa tayo bukas diba rest day mo?" takang tanong nito.

"Oo sis, niaan ko talaga ’to para sa bonding natin," saad ko.

Sumakay na nga kami sa kotse niya at nagpaalam na din sa kanila. Kakaibang saya yung dala namin at di maiwasana na magkuwentuhan habang nagmamaneho siya pero maingat naman.

Araw na ng Sabado, pinatulog ko na lamang si Ate Anna sa bahay ko dahil mag-isa lang naman ako parehas kasi kaming wala pang boyfriend or asawa ewan ba marami naman diyan na nanliligaw samin pero mas ginusto muna namin mag enjoy.

Para mapaghandaan namin yung pupuntahan namin one day vacation sabi niya sakin kagabi.

Tumungo na kami sa isang resort dito sa laguna. We need a break after all the works and pressure sa buhay.

"Yes! Finally andito na tayo we can rest for a while dahil bukas busy na naman tayo sis," sambit nito.

"Kaya nga eh! Kailangan talaga natin i-e-enjoy 'to." ngiting saad ko.

Nagpark na siya ng kotse at parehas namin tinungo ang nssabi room naming dalawa.

Kumain muna kami sa restaurant na katabi nito, marami rin ang mga turista at mga dayuhan na galing sa ibang bansa. After we eat, wala na kaming sinayang na oras nagtake na kami ng mga photos at nilibot libot ang lugar.

"Sis, salamat dito ha? Thank you kasi nandiyan ka palagi sa tabi ko," wika ko.

"Wala ’yon! Tsaka tigil na drama okay? Model ka hindi artista." pang aasar nito.

"Sis naman e, nako talaga! Bakit ang hilig mong mamilosopo?"

“Sorry na! Sige na sis, tama na’yan! Awra na, pero may chika pa ako sayo.”

Hanggang sa nauwi na nga sa asaran at tawanan ang kadramahan at kuwentuhan namin. Masaya kasi sa kabila ng mga nangyari sa buhay namin ito sabay namin hinaharap iyon sa kabila ng kabusyhan sa buhay naming dalawa.

END

One Shot Stories Book 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon