Chill

565 22 0
                                    

Genre: Romance

----

"Ano kayang masarap inumin dito? Ang dami naman kasi at lahat naman favorite ko at mukhang masarap," saad ko sa aking sarili habang patuloy sa pagtitig sa mga alak.

Ngayon kasi ang kaarawan ko at dito ko pinagdiwang sa bar ng mag-isa. I know my family and friends prepared a lot pero hindi ako pumunta hindi naman sa ayoko sila kasama gusto ko lang mapag-isa at babalik naman ako pag natapos ako dito.

"Hi miss. Gusto mo ako na lang ang pumili sayo?" saad ng isang matipunong lalaki at kitang kita ang pagkabakat ng adams apple niya at sumabay pa ang nakakilabot niya pang boses kapag nagsalita.

"Hmm, ikaw bahala. Yung masarap sana," Pang aakit nitong sabi habang ngumiti sa kanya ng nakakaakit.

Pinili niya nga ang vodka at hindi niya pa binibigay kinuha ko na ito at nilaklak.

"Hey, chill! Dahan-dahan naman sa pag-inom." Paalala nito pero wala akong pakialam kahit medyo kakaiba ang lasa at nanunuot agad ito sa lalamunan ko.

"What's your name by the way?" takang tanong ko sabay tingin sa kanya.

"I'm Alexander but I am prefer  Axl and you?" tanong nito.

"Nice name. I'm Helle but call me Elle para close na tayo," saad ko sabay ngiti sa kanya.

Ininom ko muli ang vodka kahit nasa bote pa ito samantalang si Axl naman tingin nang tingin.

"Bakit ba ganyan ka makatingin? May problema ba?" inis kong sabi.

"Wala kakaiba ka lang. Makainom ka parang walang bukas," wika nito na may halong pagkamangha.

"Sorry, ganito talaga ako Axl lalo na pag may pinagdadanan." pagkukuwento ko.

Tumingin lamang ito sa akin na may lungkot sa mga mata niya at patuloy pa rin ako sa pag inom. Nakakadalawang bote na rin pala ako ng mapansin ko na 3 na lang ang may laman.

"Ano pala ang ginagawa mo Elle dito ng mag-isa?" pag-iiba nito sa usapan.

"For fun? Para makalimot at i-celebrate mag-isa ang birthday ko." pagpapaliwanag ko.

"I see. Happy birthday by the way. Let's cheers?" saad nito sabay kumuha siya ng isang bote at doon nagsimula na magkuwentuhan kami.

Naka-apat agad ako samantalang siya naka tatlo pa lang. Mahina ata siya uminom pero kahit ganun kakaiba na yung nararamdaman ko at palagi akong napapatingin sa labi niya.

"Axl, ano palang ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"Same as yours. Naglilibang na rin baka sakaling makapag-isip na rin ng maayos." saad nito habang nakatitig sa iniinom niya.

Nalungkot naman ako sa inasta niya mahirap talaga kapag may dumating na problema tapos ang paraan mo lang ay idaan sa ganitong bagay.

"'Wag na lang muna tayo mag-isip masyado let's enjoy this night at sagot ko lahat. Game?" pag-aaya ko sa kanya sabay ngumiti na lamang ito bilang tugon sa tanong ko.

Napatingin ako sa cellphone ko at alas-diyes na ng gabi at panay na rin ang tawag ng bestfriend ko na si Lexus pero di ko iyon pinansin but I texted him na kailangan sunduin niya ko sa bar before 12 am.

Nakaramdam ako ng init kasabay ng kakaibang tensyon ng tugtugan dito sa bar.

"Sayaw tayo?" biglang pag-aaya ni Axl.

"Sure!" masayang sabi ko.

Hindi pa naman ako totally tinatamaan ng alak dahil vodka lang naman yun at sinabayan ko pa ng chaser. Sumayaw na nga kaming dalawa kasabay ng pagtigil ng mundo ko.

One Shot Stories Book 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon