Sweet Stranger

1K 22 0
                                    

Genre:Romance

Kasalukuyan akong nasa park bandang 4pm iyon.
Wala lang trip ko mag senti at mapag-isa. Nakaupo lang ako sa bandang tabi ng fountain at nag oobserba sa paligid animo'y maladetective sa pagcoconclude ng mga kilos at pati na din kung ano ang nilalaman ng isip nila.

Sa di kalayuan nakita ko ang isang lalaki na kay tangkad na tingin ko ay mga nasa 5'8" at saktuhan ang katipuan ng kanyang katawan at siya'y  problemado at nag iisa rin gaya ko.

Pinagmamasdan ko lamang siya at tila nakakapanlumo na masilayan ang gaya niya na nag-iisa at nagdadalamhati base sa kanyang kalagayan. Pansin ko din kasi na pinipigilan niyang hindi maiyak.

Sa ganitong sitwasyon hindi ko namalayan na dinadala na ako ng paa ko patungo sa kinaroroonan niya. Gusto kong bumalik sa pwesto ko pero pilit pa rin ang paa ko na magpatuloy na para bang may sariling isip.

Hanggang sa nakaabot na ako sa kinaroroonan niya ngunit siya'y tila malungkot at pilit tinatago ang bigat na nararamdaman niya.

Napaupo ako sa tabi niya at inabot ang aking panyo.

"Ito oh, panyo ko sir gamitin mo po. Iiyak mo kung kailangan di naman nakakabawas ng pagkalalaki yun para sakin." buong tapang kong winika habang inaabot sa kanya ang aking panyo.

Nanatili siyang dedma na parang hangin lamang ako sa kanyang tabi.

Pilit ko itong inabot. "Alam ko naman nahihirapan ka po kaya pwede take it? Don't worry di ako masamang babae. Di ko lang mapigilan na mag aalala sayo." saad ko na puno ng sinseridad.

Kinuha niya na nga ito at pinunasan ang luha niyang kanina pang handang bumagsak.

"Hindi man kita kilala pero salamat miss." Usal nito.

"Ako nga pala si Persy." pagpapaunlak ko.

"I am Eric." tipid niyang sagot.

Hinayaan ko na lamang siya pagkatapos niyang magpakilala halata kasi na nais niyang mapag isa.

"Erick nice to meet you. pasensiya ka na at nagambala kita sa pag - iisa mo mauuna nako." ngting saad ko.

Maglalakad na sana ako paalis na hawakan niya ko sa braso.

"Miss? Salamat ha? ay Persy pala. Namatay kasi yung bestfriend ko last week kaso di pa rin ako makamove on." pagsasalaysay nito.

"Ahh, Okay lang yun kaya mo yan. mauuna na ko ha?"pagpapaalam ko.

Aakmang aalis na ako ng biglang nagprisinta siya na ihatid ako.

Pumayag naman ako kasi nagpumilit siya at bilang pasasalamat na lang din niya sa akin.

At hanggang sa makarating na nga kami sa bahay.
Baba na sana ako ng kotse pero nauna siya at pinagbuksan pa ko ng pinto.

"Ang gentelman nito. Kainis!" sabi ko sa aking sarili.

Nakababa na nga ako at nagpaalam na sa kanya samantalang siya nakangiti na parang timang dahil bigla nagbago yung mood niya.

"Salamat ulit Persy!" ngiting saad niya.

"Wala 'yun. Salamat din sa paghatid sa akin," tugon ko.

At bigla na lamang niya akong niyakap dahilan ng aking pagkagulat imbis na pumiglas ako hinayaan ko na lang baka kasi kailangan niya. Tinapik ko siya mula sa likuran niya at biglang napangiti.

Pumiglas na siya ng yakap at di ko maiwasan mapangiti sa huling sinabi niya.

"Salamat sweet stranger, My Persy," sambit nito.

At bigla na lamang siyang sumakay sa kotse niya at nagpaandar at naiwan akong tulala.

END

One Shot Stories Book 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon