FINAL PART: UNTIL THE END
[THIRD PERSON POV]
Hindi namalayan ang araw, habang papalapit na ng papalapit ang kasal nina Jenny at Lance. Lahat abala sa pag aasikaso sa kasal. Apat na araw na lang bago ang kasal and since hindi na muna sila magkita bukas kung kaya't sinulit nila ang araw. Ngunit may napansin si Jenny kay Lance.
"Are you okay, Lance?" tanong niya kay Lance.
Napansin kasi niyang namilipit ito sa sakit, ngunit agad naman itong binawian ng isang masaganang ngiti bago sumagot, "I'm okay. Pagod lang ito." hindi siya kumbinsido sa sagot nito at napansin naman iyon ni Lance kaya linapitan siya nito at hinawakan ang mga Kamay niya sabay sabing "I'm fine. No need to worry. Atsaka, apat na araw na lang kasal na kaya don't worry, okay? Magpahinga kana din. Beauty rest kumbaga, HAHA" tumawa ito ng mahina upang ipakita nito sa kanya na okay lang at hindi na mag alala pa.
Ngumiti siya at tumango ng marahan kahit nag aalala siya sa Fiancee niya. "okay, Lance. Ikaw din magpahinga kana rin, hindi pa naman tayo magkita ng tatlong araw -3-" sabi niya ng nakasimangot.
Tumawa naman ito sa sinabi niya, "okay lang yan MG ko. hehehe. Magpa-miss ka rin minsan, hehehe. Geh, uwi na ako, MG ko." sabi nito at hinatid naman niya ito hanggang sa labas ng gate.
"Geh. I love you Lance, ingat ka." paalam niya.
Ngumiti ito sa kanya at hinalikan siya sa noo, "sige, I love you more, Jenny. mag beauty rest ka ah? hihihi... " natatawang sabi nito habang sumasakay ng kotse. Nakangiting tinignan naman ni Jenny ito.
"Ay!... wag na pala, kasi maganda ka na naman eh. Geh, bye." pahabol pa nito at pinaandar na ang kotse. Natatawa na lang siya sa pinagsasabi nito pero hindi niya mapigilang mag alala dito. Kumaway na lang siya dito.
'sana aabot pa.' sa isip isip ni Lance habang tinatanaw sa side mirror ang fiancee na kumakaway sa kanya. '...para man lang kay Jenny'
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~
[The day before wedding]
Nanonood si Jenny ng Comedy Movie para maiba naman. Gusto niya kasing masaya lang ang lahat, ayaw niya muna ng kalungkutan.
'sana masaya na ang lahat, sana happy ending naman.' sa isip isip niya.
Kaso nagkamali siya ng napanood na pelikula, kung inaakala niyang happy ending yun pala'y SAD ending. Nawala ang ngiti at kasiyahan niya ng sa huli ay kalungkutan parin ang nanaig sa pelikula.
'ba't ganun? akala ko ba masaya na sila? Pero bakit ganun?' naiiyak na sabi niya sa sarili.
Sa napanood niya kasi, ang babae ay namatay dahil sa sakit tas sumunod naman ang lalaki dito dahil hindi na nito kinaya ang mga nangyayari.
'ba't ganun? pinilit kong masaya ang papanoodin ko ngunit iba naman ang kinatapusan nito...' anong ibig sabihin nito?' tanong niya sa isip. Hanggang naisip niya ang sitwasyon nina Lance. 'wag naman sana... Sana hindi...'
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~
*a/n: (Legend: kung may "[ ]'' ganito, it means Jenny POV.... while Lance POV if "{ }" ) clear po ba? kung hindi, intindihin niyo na lang po. Thanks ^_^*
[THE WEDDING]
[ayan na! ayan na! ako na ang papasok. ho! ho! ho! Kinakabahan ako]

BINABASA MO ANG
Sad Movies (short story)
Short Story"I LOVE MOVIES" esp. SAD MOVIES ^_^ Masayang manood ng Sad movie kasi nakakaiyak kaya manood na kayo. HEHEHE ^_^v *Short Story/Teen Fiction Date started: December 7 Date completed: December 21 All Rights Reserved 2014