H: Chapter 4

1.2K 44 2
                                    


— 04 —


"Perez, answer problem number 2." Hindi ko narinig 'yon dahil nakatulala lang ako. Iniisip ang nangyari kahapon.


"Wala akong ibang babae Tina, ikaw lang."


Walang babae? Ako lang? Anong ibig niyang ipaabot? Bakit seryoso ang pagsabi niya if my plan was just to tease him? Ano 'yon?


My eyes widened when I saw who just passed by the hallway. Bakit siya nandito? I lower my head and cover my face with my hair. He's looking around in our classroom as if he's looking for something—for someone. Nang tuluyan na siyang lumagpas sa silid namin, nakahinga na ako ng maluwag.


"Hoy!" Nagulat ako sa sigaw ni Viv at pagkirot niya ng tagiliran ko.


"Ano ba?" Reklamo ko.


"Reklamo ka pa d'yan eh ikaw na yung sasagot sa problem." Sabay turo niya sa whiteboard.


"Perez! Is she present?" Agad naman akong napatindig sa anunsyo ni Sir.


"Present Sir." Naglakad na ako papuntang harap at sagutin ang tanong.


"You're physically present but mentally absent Ms. Perez." Ani ni Sir at may mga mahinang tawa akong narinig sa aking mga kaklase.


"Sorry Sir." Bumalik na ako sa aking upuan pagkatapos sagutan 'yon.


It's lunch time and hindi ko kasama si Viv dahil may lakad daw. So, I think it'll be me, myself and I for now, pero akala ko lang pala.


Nang makalabas ako ng silid, agad nakita ng mga mata ko si Max na nakasandal sa pintuan. Walang imik akong naglakad at napahinto ako sa aking posisyon. Umiwas ako ng tingin at tuluyan ng lumabas dahil baka may iba siyang hinihintay. Pero naramdaman ko ang paghawak sa aking pulsuhan para pigilan ako. Napalingon ako at nakita ko agad ang seryosong mukha niya.


"Saan ka pupunta?" Sabi niya at parang nagdadalawang isip pa bumuka ang bibig ko para sumagot.


"U-uh... M-maglu-lunch." Tanging sagot ko at umiwas ng tingin.


"Sabay na tayo." Hawak niya pa rin ang pulsuhan ko habang naglalakad kami patungo sa tapsilogan ni Aling Ema.


"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya nang nilapag ang tray ng order naming sa harapan ko.


"H-Hindi 'no." Kinuha ko na ang order ko sa tray at umupo na siya sa upuang nasa harap ko.


"Bakit ang tahimik mo?" Nanatiling tahimik akong kumakain. "Oh diba, iniiwasan mo nga ako."


"Just eat." Sabi ko. Kumunot ang noo niya pero wala ng magawa at sinimulan ng kumain.


"Salamat at tapos na ang klase." Napabagsak si Yasmin sa kanyang upuan at gayundin ang iba kong kaklase nang naggaling kami sa science park. Hindi na nakaballik si Viv dahil may emergency daw sa kanilang bahay.


I am now erasing all the writings on the board and will be the last one in the classroom because Yasmin will have a meeting.


"Maiwan na kita Tina ha, may meeting pa daw ang lahat ng presidents ng classroom." Ngumit ako sa kanya at tumango. Mag-isa na lang ako ngayon kaya mahina akong kumanta.


Dinala mo ako

Sa mundong 'di magulo

Araw-araw masaya

HatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon