— 23 —
"Tapos ka na?" Tanong ni Mom habang naksandal sa pintuan ng aking kuwarto. "Eto na lahat?"
"Hmm, I guess." Ani ko at tumindig pagkatapos patindigin ang aking maleta.
I'm really moving out from the apartment. Iiwan ko na si Mom—maghihiwalay na ako kay Mom. I surveyed my room and a lot of things are still here. Even the picture of us four.
"Upo muna tayo." Anyaya ni Mom at naunang umupo sa 'king kama. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. Humugot muna siya ng hininga at nag-angat ng tingin sa 'kin.
"Iiwan mo na talaga ko 'no?" Tanong niyang nakangisi.
"Hindi 'no! Maghihiwalay lang tayo." Pagtatama ko at bahagya siyang natawa.
"Mag-iisa naman ako." Malungkot na sabi niya at umiwas ng tingin. Inakbay ko ang aking kamay sa kaniyang balikat at hinalikan ang kaniyang sentido.
"Aalis ka na rin." Parang may anong kumirot sa puso ko nang sambitin niya 'yon. Panay akong tingin sa kisame nang nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.
"Hindi ako aalis. Dito lang ako 'no at 'wag ka ng malungkot." Sinuklay ko ang kaniyang buhok. "Ikaw naman ang pumayag e." Tukso ko sa kaniya.
"Eh kasi..." Nagtaas ako ng kilay. " Ewan ko ba ba't ko sinabi 'yon. Nasa huli talaga ang pagsisisi." I chuckled and hugged her tightly.
"Pero kung gusto mo 'wag na lang-"
"Hindi, drama ko lang 'yon. Tumuloy ka at para hindi hadlang ang layo sa pag-aaral mo." Sabay bangon niya sa aking balikat at tiningnan ako. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
I looked at her with a smile and a tear escaped on my eye.
"Ipangako mo sa 'kin." Aniya at hinigpitan ang hawak sa aking kamay. "Na pagpagod ka na sa lahat, 'wag kang mag-aabalang puntahan ako at para lakasan ko 'yang loob mo." Tumango ako at tuloy ang pagdalos ng aking luha.
"Tandaan mo lagi, na ang lahat ng bagay kay may limitasyon at dapat itong ibigay sa nakatakdang panahon." I wanted to chuckle but I replaced it with a smile. I nodded and hugged her.
"Thank you Mom." I said.
"All for you, Nanay mo ako e." Bahagya akong napatawa at humiwalay sa yakap.
Ngayo'y nakatindig ako at iniisip ang mga kulang kong gamit na dadalhin sa pagluluwas sa condo namin. Yes, condo namin. Pinangalan sa aming dalawa 'yon ni Tita kaya kaming dalawa ang magiging tagapag-alaga 'non.
"May nakalimutan ka pa ba?" Mom asked while putting down my things inside the box.
"Parang okay na po." I answered and grab my luggage. Magsasalita na sana ako kay Mom nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko 'yon at isang mensahe galing sa kaniya.
Max:
Nasa labas na ako mahal kong prinsesa.
BINABASA MO ANG
Hatid
Teen Fiction𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 ∥𝘊𝘖𝘔𝘗𝘓𝘌𝘛𝘌𝘋 - "Lets just stop this, because we already know... I lost. I know that I will regret this but, this is the only way... Ito na 'yung matagal mo ng gusto... Kung saan ka mas masaya... Ihahatid na kita." - Tatiana Ashani...