PROLOGUE

16 1 0
                                    

[This is unedited and you will encounter lots of grammatical errors so please bear with me huhu. I hope you will enjoy it <3]

"Lord Ysmael, nandito na po si Gustavo" wika ng bantay na nakatayo sa labas ng silid ni Ysmael

"Papasukin niyo" sagot ni Ysmael at humigop sa kanyang tsaa at prenteng nakaupo sa mamahalin niyang upuan na yari sa ginto at diyamante.

"Lord Ysmael, magandang araw" bati ni Gustavo na hindi magawang tingnan ang panginoon sa mga mata.

"Nasaan ang Amaris?" Nagbigay ng matinding kilabot sa kaharap na alagad ang napakalamig na tinig ni Ysmael.

Nag-aalangan siyang sabihin sa panginoon ang kapalpakan sa misyon.

"Nasaan na Gustavo?" Pag-uulit ni Ysmael.

"N-Nagkagulo po, nakuha ko na po iyon ngunit nilabanan kami ng Reyna at nahulog ito sa bangin diretso sa dagat at hindi na muling nakita" sagot ng alagad.

Isang matalas na patalim ang itinutok ni Ysmael sa lalamunan ng alagad. Bumaba ang espada dahilan para makahinga ang alagad ngunit--

"BOBO!" Sa isang kumpas ay hiniwa nito ang binti ng alagad na agad bumagsak sa sahig at duguan.

"AAAHHHHHHHHHHHH!!!"

"At si Lyra?! NASAAN?!" biglang nag-liyab ang silid dala ng galit ni Ysmael.

"A-Aksidenteng napaslang po namin siya, p-patawad po, maawa po kayo panginoon" hangulgol ng kawawang alagad ngunit malamig lamang siyang tinitigan ni Ysmael.

"Diablo, tinatawag kita"

Nagliwanag si Ysmael at ilang segundo lang ay lumitaw ang isang nakakatakot na demonyo. Ang guardian demon ni Ysmael, si Diablo.

Lumabas mula sa nasusunog na silid si Ysmael at hinayaang maging hapunan ng kanyang Guardian Demon ang palpak na alagad.

Strangeless Academy: Strange HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon