Asteria Mauverine
Pinuntahan ko na sila Gabby at Peter kasi may community service pa kaming kailangang gawin. Kinuwento ko na rin sa kanila yung nangyari kay Gerald. Si Peter kahit na ayaw sa ate ni Gerald nakaramdam ito ng awa sa bata.
May bitbit kaming sako habang nag-iikot sa campus at pinupulot ang mga basura. Yung ibang estudyante pinag-titinginan kami tapos pinag-tatawanan din.
"Hay! Kakaayos ko lang ng kuko tapos heto ako nag pupulot ng basura!"reklamo ni Peter
"Kung hindi ka sana tumili ng sobrang lakas" paninising muli ni Gabby kaya inawat ko na naman sila bago mag-kapikunan na naman
"Huwag na tayong mag-sisihan. Atleast na guidance tayong mag-kasama" biro ko pa at sabay kaming tatlong napahalakhak
Lumapit ako sa plastic na nakakalat sa sahig at nang pupulutin ko na ito biglang may sapatos na umapak. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Blanche na kasama na naman si Sora.
"Blanche, pakialis ng paa mo" mahinahong sabi ko
"Alam mo bagay sa iyo yan. Tutal basura ka naman din eh" sagot ni Blanche at saka inalis na ang sapatos niya sa pagkakaapak
Hindi ko na lang siya pinatulan.
"Ikaw naman Blanche? Amoy basura?" pambabara ni Peter
Blanche glared at him. "Gusto mo sirain ko ribbon mo?"
Tinapatan siya ni Gabby "Subukan mo lang at yang mukha mo yang sisirain ko"
Sora scoffed " Shut up Gab. Wala namang kwenta yang ability mo"
Napayuko si Gabby sa sinabi niya. Sumosobra na sila! Totoong hindi pang-laban ang gift ni Gabby pero atleast hindi siya kasing sama ng ugali nila.
Nakita kong nakakuyom na ang kamao ni Peter at ang ulap sa taas ng ulo niya ay umiitim na. Susugurin na sana niya si Sora ng may isang lalaking may magulong blonde ang buhok ang humarang sa kanya.
"Umali ka dyan Trese. Hayaan mong turuan ko ng leksyon yang kaibigan mo!" sigaw ni Peter
On a split second naging parang lalaki si Peter dahil sa galit.
The blonde guy stared at Peter blankly.
"No." sagot nito in a monotone
"Why? Nasaktan ka ba sa katotohan para sa kaibigan mo?" hirit pa ni Sora
Siya na naman ang hinarap nung blonde guy "Sora stop. Kahit na hindi malakas si Gabriella higit na mas malakas si Peter sa iyo. So don't taunt him"
"Ano?!" namula sa galit si Sora
Biglang may lalaking nag-lakad papunta sa harapan namin at pinantayan ang tingin ni Trese.
"A-Atticus" sambit ni Blanche
"Pwede bang wag niyong guluhin ang mga nag-cocommunity service? Unless gusto niyo din mag-ganito. Sabihin niyo lang at ipapaalam ko kay Mrs. Elizabeth" Atticus smirked at them
"Umalis na tayo" pag-aaya ni Blanche at hinila na si Sora
Trese and Atticus glared at each other. Parang may kung anong tensyon ang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Trese," Blanche called
Kumalas nang tingin si Trese kay Atticus at inilipat ang tingin sa akin. Nakaramdam ako bigla ng kaba sa napakalamig na tingin niya sa akin. Muli siyang tinawag ni Blanche kaya tinalikuran na niya kami at sumunod na s aka-camp niya.
BINABASA MO ANG
Strangeless Academy: Strange Heart
FantasyEnchantia Series #1 After surviving an almost death, Asteria found herself adjusting in a school for gifted people. Despite of finally having a normal life and good friends that she desperately wish before, Asteria still wants one more thing. Vengea...