Chapter 7: Burning The Maze Down

3 1 0
                                    

ASTERIA MAUVERINE

"Custard Cakeeee!" nag-tatatakbo si Peter papunta sa lamesa ng makitang ang paborito niyang custard cake ang inihahanda ng mga pixies

"Morning," walang ganang bati ni Atticus na naupo sa tabi ko tapos nag-hikab

"Ah good morning" bati ko rin habang kumukuha ng kape

"Mukhang puyat ka Atticus ah" puna ni Gavin nakakarating lang "Good morning, Peter"

Muntik mabulunan si Peter ng batiin siya ni Gavin at naupo pa ito sa tapat niya. Umubo-ubo siya kaya inabutan siya ni Gabby ng gatas. Napailing na lang si Atticus. Dumako ang tingin ko sa lamesa ng Camp Lyrion. Nakita ko si Katana na nakaupo malayo sa ibang Lyrions. No, that's not the situation. Iniiwasan siya ng mga ka-camp niya.

"Nilalayuan ba nila si Katana?" bulong ko kay Gab

Malungkot na tumango si Gab "Because of her gift. Pero hindi naman threat ang gift niya kasi naka gloves siya. Sadyang oa lang ang iba. Kaya pag kasama naming si Katana pinaparamdam naming walang mali sa gift niya."

"Kasi yun naman talaga ang totoo. Walang mali sa gift natin nag-mamatter lang kung paano natin ito gagamitin sa ikabubuti ng iba" dagdag ni Peter

I can't help but smile. Bukas aayain kong sumabay sa amin si Katana. The giant clock echoed all over the school. Tumayo na kami para mag-handa na sa unang class namin. Pero pag-kadating namin sa classroom may nakalagay na note na wala si Prof. Helena kaya dumiretso kami sa klase ni Sir Gil.

"Good morning, students" malamig na bati ni Sir Gil parang yung gift niya

"Good morning, Sir" bati namin sa kanya

Nag-lakad si Sir Gil sa harap ng blackboard at may isinulat. Enchantia Mythology.

"Una nating tatalakayin ang unang bahagi ng mitolohiya ng Enchantia. Alam kong may basic knowledge na kayo rito kaya hindi na ito mahirap." Napatingin sa akin si Sir Gil at tila naalala na bago pa lang ako ditto "pero dadahandahanin natin para sa iba"

Peter lean on me to whisper "Si goddess Eira favorite ko. Siya kasi ang may hawak ng lahat ng season parang katulad lang ng gift ko"

"Totoo ba sila? I mean sa mundo ko kasi ang mythology ay tinuturing na kathang isip lang" tanong ko sa kanya

"Of course they are real! Nakatira sila sa ika-pito na city na hindi pwedeng puntahan ng mga enchanter" sagot ni Peter

My eyebrows furrowed "Ika-pito? Eh di ba lima lang ang city?"

"Originally may pitong city. Ang Arcana ay tinaguriang the Hidden City pero hindi ibig sabihin hindi iyon totoo. Yung ika anim naman sabi nila nabura na raw dahil sa pag-atake ng Viserion noon" paliwanag ni Gab

I can't help but sad. Sobra na talaga ang kasamaan ng Viserion noon pa.

"And you three are right."

Sabay kaming tatlong napapitlag ng lumapit sa desks naming si Sir Gil.

"The seven great gods lives in the Hidden City or Arcana. " Sir Gil said "Sila ay pinamumunuan ni Aero, the god of Heaven. Kung iniisip niyo kaya na matino at magiting si Aero dahil siya ang namumuno sa ibang diyos, nag-kakamali kayo. Hinayaan lang siya nila dahil mapilit si Aero. Cool daw kasi na title"

The way ikwento ni Sir Gil yun parang barkada niya lang sila. Nakarinig kami ng malakas na pag-kulog na para bang nainsulto si god Aero sa sinabi ni Sir.

"At nag-rereklam na yata siya sa sinabi ko" umiiling na sabi ni Sir Gil

"Sino pa po ang ibang diyos at diyosa?" tanong ni Carlo, taga Camp Bleum

Strangeless Academy: Strange HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon