Chapter 18

89 10 0
                                    

Vomments please—also spread Ms. Perfect!🤗🤗


Chapter 18: Birthday Wish

Franko's POV

"O ano pre? Nagtapat ka na ba?" Tanong ni Jaylo at kinuha ang necktie niyang nakahilera kasama ng akin.

"Oo," simple kong sabi at isinuot at Grey suit ko.

"So that means, alam na niya?" Bungad saamin ni Shiro na bagong ligo.

"Hindi rin." Sabi ko at inayos ang necktie ko. Tumingin ako sa salamin, gwapo pa rin ako gaya ng dati pero mas ngayon dahil lamang ako ngayon ng sampung paligo.

"Ha? Pa'nong nakapag-amin ka pero hindi niya alam?" Takang tanong ni Luis habang sinusuot ang sapatos.

"Umamin ako kanina sa kotse ng kasama ko siya sa biyahe papunta dito, pero... binulong ko lang."

"Nako! Torpe tayo pre!" Kantiyaw sakin si Jaylo.

"Anong torpe? Eh umamin nga ako."

"Hindi naman niya narinig."

"Oh eh kasalanan ko kung hindi niya narinig?"

"Edi sana linakasan mo yung boses mo kagaya ng lakas ng loob mong bumulong!"

"Psh! Ewan ko sainyo!" Sabi ko.

Lumapit ako sa pintuan ng may kumatok, si Mom lang pala. "In five minutes, darating na ang stylist niyo for your hairdo. Yiee! For sure para kayong F4!"

"F4?" Sabay-sabay naming tanong. Wala kasi kaming kaalam-alam diyan.

"Ay... 'di niyo alam?" Aniya na parang nanghihinayang. "Sila yung bida sa Meteor Garden na sikat ngayon. Guwapo talaga nila! Bet ko talaga si Lei kasi ang cute at gwapo at matalino at mabait at attractive at magaling sa music at... at... he's perfect!" Kinikilig na ani ni Mom. Wow ha, updated?

"Mom, walang perpektong tao." Naiiling kong sabi. Eh? Totoo naman eh. Walang perpekto. Lahat tayo may flaws. I dont believe in such word. Pero sabi nga nila, just like the word forever, the word perfect will not exist if its not real. Well, I doubt the saying. Maybe perfect in other matters but humans? Na-ah.

"Ihhhh! Basta, he's like everyone's—I mean every girl's dream. Hahhhhh..." Mom said daydreaming.

"Mom, 'pag nalaman 'to ni dad for sure magseselos yun." Kaya napatigil siya sa pag-iimagine ng marinig at nabanggit ko si dad.

"Okay, fine. Sige boys, I'll Go ahead first, you know... kailangan maganda pa rin ako kahit maganda naman talaga ako. Bye..." paalam niya at umalis na.

Pagkatapos nun ay pumasok na ang stylist para ayusan ang buhok namin. Nagprisinta na akong mauna kaya natapos ako kaagad.

Lumabas ako para kumustahin sana kung anong kalagayan ni Mats pero timing naman ng tinawag ako ng kasambahay na pinapabantay ko sa kanya.

"Oh, tapos na siyang bihisan?" Tanong ko rito.

"Eh sir, Pinapatawag niya kayo sa'kin eh." Sagot niya.

"Ah sige, pupuntahan ko nalang siya duon." Nang maabot ko na ang silid kung saan siya binibihisan, kumatok muna ako. Siyempre binuksan niya ng pintuan at pinapasok ako sa loob.

"Oh? Bakit hindi ka pa bumibihis?" Tanong ko rito. May light makeup na kasi siya pero hindi pa niya sinusuot ang damit.

Tumingin muna siya sa stylist niya at tumingin ulit sakin. "Ah, eh kasi... sabihin mo kay Marghaux hihingi ako ng pad niya. Eh, uhm, nadatnan kasi ako ngayon eh." Sabi niya at tumingin pababa sa sahig.

Ms. Perfect (COMPLETED✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon