Haha! Tangina. Shet lang kasi kinikilig din ako sa sariling Master piece ko! Yie am so proud of myselp!Proweba ng pagsasakripisyo ko....
Kaya ano pang inaantay niyo? Vote at comment na! Makonsenya naman kayo sa puyat ko.
#lutangerstayo
Chapter 21: Possessive Suitor
Roxanne's POV
Malapit na ang Christmas party. Tapos na ang lahat ng kailangang ipasa. Sabi nila, ito na ang pagkakataon para magsaya. Malapit na ang pasko kaya mahaba-habang break ito para sa mga estudyante.
"Lerry!" Tawag ko sa isa kong kaklase. "Ha?"
"Pakikuha nga ng isang box ng thumbtacks doon sa table." Sabi ko. Next week na kasi gaganapin ang Christmas party kaya free kami. Walang klase. Nagdedecorate kami ngayon ng classroom. May nag-suggest nga na maghire nalang kami ng magdedecorate pero nag-insist ang student council president na magmano mano nalang daw kami. Para enjoy pero sa iba, tinatamad sila.
"Oh," abot niya sakin ng isang maliit na box na ang laman ay mga thumbtacks. "Thanks," sagot ko dito.
"Roxanne, nandito na ang Christmas balls at saka ang Christmas tree." Sabi ni Jorge, ang class secretary.
"Oh, eh nasaan na?" Tanong ko dahil wala siyang hawak na kahit ano maliban sa listahan niya at ballpen.
"Oh ayan na pala!" Sigaw ng isa kong kaklase at nakita ko ang isang six feet na Christmas tree na buhat-buhat ni... "Maks?"
"Hi," aniya at pawis na pawis. Yung tipong tumutulo na sa sobrang dami.
"Akala ko si Andrew ang inutusan mo?" Baling ko kay Jorge.
"Eh nagpumilit siya." Sagot ni Andrew, "Papaalisin niya daw kami sa school kapag hindi kami sumunod sa gusto niya."
Pumanaog ako mula sa pagtayo sa itaas ng silya at sinalubong si Maks na buhat buhat pa ang isang box na puno ng decorations. "Uy, sandali lang ha... ilalapag ko lang 'to sa tabi ng Christmas tree." Aniya pero pinigilan ko siya. "Bitawan mo 'yan." Sabi ko.
"Eh? Teka sandali lang 'to." Pagpupumilit niya.
"Hans?" Pagtawag ko sa isa kong classmate. "Bakit?" Tugon niya.
"Kunin mo 'to." Turo ko sa hawak hawak ni Maks. Kinuha naman niya at hinila ko si Maks hanggang sa makarating kami sa girls locker.
"Ito ba'y dala sa panliligaw mo ha?" tanong ko dito at ngumiti lang siya at nangilay.
Psh! Panliligaw. Eh hindi naman ako um-oo at hindi rin nakahindi. Nagkusa ang loko. Sabi sa ayaw at sa gusto ko eh. Ba'la siya.
Huminga ako ng malalim, "May panyo ka bang dala?" Tanong ko at umiling siya habang nakangiti. "Towel?" Tanong ko at umiling siya ulit. "Shirt?" Pero umiling lang siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Perfect (COMPLETED✔️)
Teen FictionI believe that nothing's perfect except for the word itself. But that changed when I MET you, my Ms. Perfect.