Part 1

16 0 0
                                    

Ana

"Calling all the passengers to proceed......"

Narinig kong anunsyo ng flight attendant mula sa kinauupuan ko dito sa departure area ng NAIA terminal 3.
Matapos ang halos dalawang oras na paghihintay ng aking flight patungong Italy.

Sa wakas matutupad ko na rin ang aking pangarap na makatapak sa bansang yun, halos mahigit isang-taon ko din itong pinag-ipunan mula sa aking maliit na restaurant sa Makati ang Carmen's Cuisine.

Bilang isang head chef/owner medyo naging busy din ako simula ng binuksan ko ang aking maliit na negosyo. Sa awa ng Diyos, medyo lumalaki na din ang aming kinikita sa araw-araw naming pagbubukas. Kaya naman pinag-iisipan ko na din ang magpatayo ng isa pang branch matapos ng aking pagbakasyon.

Sa edad na dalawangput-apat, natuto na akong mamuhay mag-isa. Simula ng itinakwil ako ng aking mga magulang dahil sa hindi ko sinunod ang gusto nila na maging ako.

Ang pagiging isang doktor ang nais nila para sa akin gaya ng aking mga nakakatandang kapatid na naging magtagumpay dahil sa pagsunod nila sa gusto nila mommy at daddy habang ako naman bilang bunsong anak ay kahihiyan para sa kanila.

Naging mahigpit ang hawak ko sa aking maleta sa kadahilanang hindi ko alam kapag sila ang aking naiisip. Tiniis ko ang tatlong taon na mawalay mula sa kanila at ang namuhay ng mag-isa.
Lahat ng trabaho na pwedi kung pasukin basta't marangal ay kinukuha ko noon para makapag-ipon lang.

Hanggang sa malaki din ang perang naipon ko mula sa aking pagtatrabaho at napagdesisyunan kung magtayo ng restaurant.
Sa umpisa halos sumuko na ako dahil isang assistant lang muna ang aking kinuha, ako naman bilang all-around.
Nakakapagod, Pero tiniis ko lahat para lang mapatunayan ko na kaya ko at kakayanin ko.

"Hey Miss!"

Nagulat naman ako ng may nagsalita mula sa aking likuran. At ng aking lingunin, napadako ang aking tingin sa isang babae na abot tenga ang ngiti.

"Mukhang wala ka sarili, By the way I'm Felia. Going to Italy?"

Tanong nya sakin sabay lahad ng kanyang isang kamay upang mag shake hands.

"Hmmm... Yes, I'm Ana."

Tipid at nahihiyang tugon ko naman sa kanya.

"Well, brokenhearted? hihi."

Nagulat naman ako sa sunod nyang tanong.

"Ahhh ehhh, hindi naman for vacation lang talaga. Stressful Din kasi sa work".

Pag dadahilan ko nalang sa kanya. Pero totoo naman talaga kasi hindi pa naman ako nag kaka boyfriend.

"Naku, buti kapa e ako brokenhearted.. Anyway, nice to meet you Ana, hope this will not be the last seeing you. Let's enjoy Italy nalang at mauuna na ako sayo ha, naayusin ko pa kasi yung plane ticket ko. Byeeee."

Nakangiting paalam nya sakin, napangiti nalang din ako sa kanya at tuluyan ng nag check-in ng aking maleta.

Finally, Italy here I come....

The Mafia Boss LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon