Part 3

4 0 0
                                    

Ana

Matapos ang mahigit labing-apat na oras na byahe patungong Italy ay nakatulog lamang sya at nagising nalang ng inanunsyo na ang paglapag ng eroplanong kanyang sinasakyan sa bansang matagal na nyang pinapangarap at ngayon ay natupad na nya.

"benvenuto in Italia!!!
How may I help you Ma'am?"

Nakangiting tanong ng isa sa mga crew ng eroplano.

"No Thank you, I can manage."

Tinugon nya rin ito ng isang matamis at sincere na ngiti at tumayo mula sa kanya plane seat upang makababa na ng eroplano.


Halos malula sya ng makababa at matunghayan ang buong Airport, halos mangiyak-ngiyak din sya sa kadahilanang hindi sya makapaniwala na nakarating din sya sa bansang ito.

Napayakap sya sa kanyang sarili dahil sa sobrang lamig ng hanging dumadampi sa kanyang balat kahit may Balabal pa syang suot.

"I just hope na kasama ko sila."

Malungkot na saad nya sa sarili ng maalala na naman ang kanyang pamilya. Dati, ay pangarap nyang Makapagbakasyon silang lahat Pero naglaho ang pangarap yun simula ng itakwil sya ng kanyang pamilya dahil mas pinili nyang maging isang di hawak na chef lamang kung maituturing ng kanyang pamilya.


Lulan ng taxi mula sa Airport ay nagpahatid na sya sa kanyang hotel kung saan nakapag booked ito at para Makapag pahinga na rin bago Makapaglibot sa Italy.

Sicily, ang pinakagusto nyang ma puntahan sa lahat. Talagang malaking kuryusidad ang nasa kanyang isipan kung anong meron sa lugar na iyon at ito ang kanyang aalamin din. 
Kasabay ang dahilan kanyang pag bakasyon ay ang matutunan ang kultura ng Italia lalo na sa mga pagkain dito.



"Hi Miss, Reservation under Ana Carmen Sy that's me and here's my ID."

Nakangiting bungad nya sa receptionist ng Hotel.

"benvenuto in Italia!
Wait a minute Ma'am, I'll check your details first."

Magalang na tugon nito sa kanya at napatango na lamang sya bilang sagot at matyagang naghintay.

After few minutes...


"Madame, here's your hotel room number and key card access.
goditi la permanenza!"

(meaning enjoy your stay)


The Mafia Boss LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon