Part 6

1 0 0
                                    

Max


Lulan ng kanyang sariling private plane halos mahigit isang oras ang byahe nila pabalik ng Sicily galing sa Rome.

Pagkalapag ng naturang eroplano ay naghihintay naman ang ilan sa kanyang mga bodyguards para sunduin sya pabalik sa Taormina.

"We'll grab some food first Al. I'm hungry."

Tipid na pahayag nya ng makapasok na sa kanyang sasakyan. Halos tango nalang din ang naging tugon ni Alejandro. Alam nya na kung saan ito dadalhin kapag gutom na.

"qual è il tuo ordine signore?"

Tanong ng isang waiter sa kanya matapos mailapag ang menu sa kanilang table.

"solo quello vecchio."

Agad namang tumalima ang waiter matapos nilang Makapag order.


Samantala.....




Ana

Nataranta naman si Ana dahil sa sobrang pagkagulat at takot na nararamdaman dahil sa sunod-sunod na putok ng baril.


Hindi nya alam kung saan sya pupunta, napatakbo narin sya dahil sa sobrang takot.
Halos lakad, takbo ang kanyang ginawa para lang makalayo sa naturang lugar.
Mukhang pagsisisihan na nya ang pumunta pa dito kung dito lang din pala matatapos ang kanyang pinakamamahal na buhay.

"Diyos ko Papa Lord, wag nyo po akong pabayaan. Ayaw ko pa pong mamatay."

Tanging dasal nya at pinauubaya ang kasalukuyang sitwasyon sa Dios.

"Bang!!! Bang!!"

Nadinig nya ulit ang mga putukan, mukhang nakasunod lang ito sa kanya at ng kanyang lingunin halos nagkukumpulan naman ang iba pang mga nandun. Dahil sa sobrang takot,gusto nyang makapagtago Pero hindi nya alam kung saan hanggang sa nakita nya ang isang itim na sasakyan kahanay ng iba pa.
Dali-dali nyang binuksan ang compartment nito, at nagulat naman sya dahil hindi ito nakalock. Hindi na sya nag-abala pa at walang sinayang na oras bago isinisik ang sarili sa loob ng sasakyan. Bahala na kung saan sya dalhin nito.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman nyang bumukas ang Passenger seat ng sasakyan. Alam nyang may pumasok na yata kung sino man ang may nagmamay-ari ng sasakyan na yun.
Habang sya naman ay nakiramdam na lamang.

"abbiamo sentito degli spari"

Bigla naman syang kinabahan dahil sa ma awtoridad na boses ng nagsalita.Pero hindi nya naintindihan ang sinasabi nito dahil alam nyang Italian words ang mga ito bahid sa tono ng pananalita.

Nakakatakot.

"Boss, do we need to interfere with  them? They've must killing innocent people here."

Narinig nyang tanong ng kung sino man mula sa unahan ng sasakyan.

Malapit kasi sya sa back seat.

"No, Alejandro. I'm too tired for that we're heading home."

Alam nyang Pagod ito dahil sa naging malumanay na ang pagkasabi nito.
Sya yung nagsalita ng Italian kanina.
Naisip ni Ana sya ang Boss na tinutukoy nung isa kung sino man yun.
At naramdaman nya nalang na tumatakbo na ang naturang sasakyan.

Dahil sa sobra pagod, takot at pangamba hindi na nya namalayan na nakatulog pala sya.



















(Lagot ka Ana)

The Mafia Boss LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon