Part 7

1 0 0
                                    

Max

Habang kumakain sila nila ni Alejandro sa naturang restaurant ay napansin nilang nasisitakbuhan ang mga tao sa labas. Kasabay nun ang pagkarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.


Danger.

Agad na pumasok sa isipan ni Max, sabay senyas kay Alejandro na umalis na sila sa Lugar na yun. Agad namang sumunod ito sa kanya kahit hindi pa ito tapos kumain.

Pagkalabas nila, nakita nya namang nakaabang na ang iba pa nyang mga bodyguards. Kaya naman sumenyas din syang aalis na.

Habang papasok sa kanilang sasakyan biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Manang Lucia's calling...

Sinagot naman nya ito at nagpaliwanag.

"We heard some gunshots."

Nausal nya pero sa salitang Italian.
Kaya naman biglang pinatay din ng mayordoma ang naturang tawag.

Tinanong din sya ni Al,kung makikisali ba sila dahil sa maraming inosenteng tao ang nadadamay dahil sa robbery na yun. Alam nilang robbery nanaman ang nangyayari Pero, pagod na pagod na sya para maging hero. Kaya naman napagdesisyunan nalang nyang umuwi na.


Matapos ang halos isang oras na byahe pabalik ng mansyon ay payapa din silang nakarating sumalubong rin agad ang kanyang butler na si Moresius.



"Fucking Shit!"

Biglang kumunot naman ang kanyang noo dahil narinig nya si Alejandro na nagmumura mula sa likuran ng kanyang sasakyan at narinig nya ang pagkasa ng baril nito.

"Who are you? Who send you here? Are you a spy?!"

Dahil sa pagtataka kung sino ang kinakausap nito agad nya itong dinaluhan dahil wala naman syang makitang ibang tao maliban sa mga bodyguards nya.

Ngunit biglang nandilim din ang kanyang paningin ng makita kung ano mali, kung sino ang nasa compartment ng kanyang sasakyan.

Babae.

Agad din syang bumunot ng sarili nyang baril at itinutok dito sabay tabig kay Alejandro.






Ana

Dahil sa nakatulog nga ako hindi ko na alam kung saang parti ng Sicily na ba ako napadpad. Ang naalala ko lang ay may putukan, tapos nagka gulo kanina kaya naman naghanap ako ng mapagtataguan.

Pero mas minadali ko lang pala ang aking buhay dahil halos mapugto na ang aking hininga sa sobrang takot at naramdaman ko din ang nanginginig kung katawan.

Ikaw ba naman matutukan ng baril sa ulo? Pero wait... Ano daw?

Spy? Ako?

Dahan-dahan ko namang inangat ang aking mukha mula sa pagkakayuko para makita ang nagmamay-ari ng pares ng itim na sapatos na nakikita ko.

Ngunit, mas lalo akong natakot ng lubusang matunghayan ang kanyang mukha na halos nagbabaga na ang kanyang mga mata sa sobrang galit.


Katapusan ko na ba????


"Chi diavolo sei???"

Asik nito sakin.
Ano daw?
Babalo ba sabi nya?
Napailing naman ako bago makasagot.

"E-nglish p-lease".

Halos utal-utal kung sabi at pakiusap.

"I said, who the hell you are? And why are you here in my fucking car?"


Ay ang bastos naman nito, fucking car daw. Fuck you mo din Mister! Gusto ko sanang isagot sa kanya pero mukhang seryoso talaga sya/sila.

Naku Ana, ano ba itong pinasok mo!?

Naluluhang saad ko sa aking isipan.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at dahil sa sobrang takot biglang dumilim ang aking paligid.






"Fuck!!!


Tanging Narinig ko nalang bago ako nawalan ng ulirat.

The Mafia Boss LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon