Chapter One

7 0 0
                                    

Therese

"Tere kumuha ka nang tatlong serving spoon sa ilalim ng sink, doon sa unang drawer."

Si nanay talaga paputol-putol ang pag utos. Kanina pa 'ko pabalik balik sa kusina o 'di kaya naman ay sa bodega sa taas. Ang daming naka line up na utos, hindi matapos tapos.

I'm not yet done with my articles and I still have three more to go.

That's why I hate gatherings. I said what I said, I hate gatherings! Especially when Nanay cooks on her own kaysa magpacater. Minsan kasi talaga ay sinisipag siyang magluto. Siguro ang sama kong apo pero mas gusto ko kapag wala siya sa mood na kumilos. I mean why do you have to make an extra effort in preparing foods just by yourself when the catering house is just one call away. Masarap naman luto nila, malinis pa at may pagka-mura. Saan ka pa?

"Tere, 'bat ang bigat na naman ng mga paa mo. Oras na oh darating na sina Tito mo,"

I groaned, irritably. "Nanay naman kasi utos nang utos dami kong articles na tinatapos,"

Sinalubong na niya ako sa bukana ng kusina sa bagal kong humakbang. She get the serving spoon on my hand and spoke, now irritably too, "Eh 'bat ka ba kasi gumagawa nang ganyan gayong bakasyon?," at nauna na siyang bumalik sa garden kung saan naka set-up ang long table at ilang mga metal chairs.

Naroon na sina Mama at Papa, kapwa abala sa pag-aayos ng mga pagkain at mga bulaklak sa gilid. Pinalitan na rin nila nang fresh na tubig ang pool. Naka pwesto na ang mga sun lounges sa gilid ng mismong swimming pool. Sa madaling salita ay hindi na nila ako kakailanganin pa roon.

Makakapag concentrate na 'ko ulit sa ginagawa kong summer take home articles.

Child Abuse...

Never in my life that I've experienced any kind of humiliation or any maltreatment related to child abuse. I grew up in a castle with a princess life in it kaya kahit na anong gawin kong pag-iinternalized buhat pa kagabi ay wala akong mahitang kahit na anong makatotohanang emosyon na awtomatikong mararamdaman ng mga mambabasa kapag nabasa nila ang artikulo ko.

Though I can feel the mixture of pain and sadness of those children who has been abusing by elders pero iba pa rin kasi talaga pag napunta ka na sa ganoong sitwasyon. I'm not saying that I want to be on their shoes. Ayokong makaranas nang kahit na anong karahasan and no one would love to. It's just ang hirap magsulat kapag hindi mo pa talaga naranasan ang isang bagay o ang isang sitwasyon.

I sighed as the worriment of not able to finish my work came rushing through my mind. Paniguradong masesermonan ako ni coach. Namimili ka na naman nang issue, tiyak kong sasabihin niya 'yan.

Anong magagawa ko kung hirap akong bumuo nang artikulo sa mga topic na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko?

Pinaglaruan ko na lang ang notebook ko dahil wala talaga akong mapipiga sa utak ko patungkol sa child abuse na 'yan.

"Hey—"

"Oh geez!"

Sa sobrang gulat ko ay naitapon ko ang hawak ko sa kung saan. That was all of a sudden kaya sobrang na shocked ako. Lumakas tuloy ang tibok ng puso ko, parang may paa na ang mga ito ngayon at nagpapadyak-padyak.

"Sorry,"

Dali dali kong nilingunan ang dumating. Gustung-gusto ko siyang pagsabihan o kahit anong paraan na pu-pwedi masabi ko lang na nakaganti ako sa pang-gugulat niya pero pinili kong huwag at gawin ang kasalungat no'n. Kung ibang tao lang ito ay kanina ko pa binara at pinaghahampas dahil ayoko sa lahat iyong ginugulat.

Fragmental FondnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon