Chapter Two

3 0 0
                                    

Therese

The name Ichigo could figuratively mean sacrifice, too.

Bata pa lang kaming dalawa siya na ang palaging nagpaparaya. He gave way for me, all the time of our childhood years. Pero hindi ko lubos akalain na through the years na hindi pag uusap at masamang pakikitungo ko sa kanya he's still willing to change his path for me. Hindi ako makapaniwala na kayang kaya niyang mag iba nang pupuntahan kung sakaling hindi kami pweding tumungo roon ng sabay. He could hand me his ticket just so I could proceed even if it means, him not going to come along.

He's the most considerate guy I've ever knew.

"We're not yet adjourn, Therese. We'll talk when I come home," may halong pagbabanta ang boses ni Tito Arthur.

Ihahatid niya sina Tita Ligaya at Ichigo. Those two were already inside the car habang si Tito ay nakatayo parin sa harapan namin. Panay ang habilin. Akala mo magtatagal at isa pa babalik din naman siya dito.

Nakatayo kaming dalawa ni Nanay sa tapat mismo ng gate. Sina Mama't Papa ay pumasok na sa loob dahil pagabi na. Ang sabi nila bawal sa buntis ang nasa labas when twilight came.

"Ichigo pasensya ka na ulit," si Nanay 'yon.

Napakagat ako ng labi. Hindi alam ang dapat na ikilos ngayong nakatingin sa gawi namin si Ichigo. Hindi gaanong nakababa kanina ang bintana sa backseat kung saan siya nakaupo pero nang kausapin siya ni Nanay ay inirolled down niya iyon hanggang sa lantaran ng nakahayag ang mukha niya.

Nakangiti siyang sumagot at nilakasan nang kaunti ang boses para maayos siyang marinig ni Nanay.

"Wala po 'yon 'Nay kalimutan niyo na po," he then look at me, still has a smile plastered on his lips. "Hindi naman ako galit."

"Kaya namimihasa 'tong batang ito Ichigo panay ang intindi mo," sabat naman ni Tito. Yakap niya si Nanay. Mukhang nagpaalam na.

"You stop it Nery  sumusobra ka na rin ngayong araw. Enough is enough," si Tita Ligaya iyon. Minamasahe niya ang kanyang sentido nang lingunan siya ni Tito. She seemed wasted and in a blink of an eye tumahimik si Tito. Parang maamong tuta pa nga.

"Mama alis na kami. Tere, you behave," pinal na paalam ni Tito. Nagpaalam rin ang dalawa bago umusad ang sasakyan.

"Ang lalaking 'yon lang ang aprobado ko para sa'yo."

Aish!

"Nanay naman. Alam ko na 'yan simula kinder pa lang yata ako bukambibig niyo na 'yan."

"Ewan ko ba kasi sa'yong bata ka 'bat hindi mo pa akitin 'yang si Ichigo."

Ano?! Nasamid bigla ako sa narinig kahit na hindi naman ako uminom ng tubig. Nagmula pa mismo ang ideyang iyon sa bibig ng lola ko. Grabe!

"Hinding hindi ko gagawin 'yon 'Nay, tumanda man akong dalaga."

Nilampasan lang ako ni Nanay, umiiling iling at winawasiwas pa ang mga daliri sa ere.

"Maniniwala sana ako kung hindi ko lang nakita ang love letter na sinulat mo para kay Ichigo."

L-ove...letter? Tinakbo ko ang espasyo sa pagitan naming dalawa ni Nanay. What the heck did I just heard?

How did...she saw it when it was already rotten at the trashbin years ago. Alikabok na lang 'yon ngayon, I bet.

"Oh nagulat ka no?" panunukso pa ni Nanay at kinalabit ang tagiliran ko. "Ikaw na bata ka akala mo siguro may maitatago ka sa'kin? Apo kita, alam ko lahat. Bawat galaw mo."

Fragmental FondnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon