I.
kung magunaw man ang enerhiyang
gravitas, at ang lahat ng
tubig-tabang
ay salubungin ang langit at ang
tubig-alat
ay magdala ng asin sa mga ulapII.
Pupunta ka ba sa Akin?
lalakarin mo ba ang alapaap
tatakbuhin ang kalawakan
upang bisitahin Ako?III.
itinakwil mo man ang Aking Salita,
nag-aalab pa rin ang pag-asang
maituwid ang dati mong landas
at basahin mo ang mga sulat
sa Aking libroIV.
dahil sabi mo "Iniwan niya ako
sa disyerto; at kinaibigan ko ang mga
Alakdan," nakalimot ka na yata
sa mga pangako sa buong sambayanan
na magkakaroon ng lugar ang bawat isa
sa Paraisong inihanda ko para sa inyoV.
Sino na ba Ako sa inyo?
tila pinabayaan niyo na ang inyong sambahan
wala nang tao mula sa iyong sambahayan
ang nag-aalay sa Aking altar;
wala nang nakakaalam nang
salitang "pagsisisi" at "pagmamahal"VI.
away na lamang kayo ng away
hindi niyo kayang tanggapin ang sisi
ng bawat isa; kayo'y mapagmataas.VII.
sana'y alam niyo pa ang itinuro ko
"Kung sino ang nagpapakataas ay ibababa;
at ang siyang nagpapakababa ay itataas"
sana'y alam niyo na rin ang kahihinatnan niyo sa dulong panahonVIII.
ngunit hindi pa huli ang lahat
Anak, katulad kitang may Dakilang
Puso; hayaan mo ang Banal na Espiritu
ang sumanib sa iyo at huwag ang
kasamaan, lisanin mo na ang
mundo;IX.
lumutang ka;
yakapin mo ang galak na
galing sa Aking Salita at
pagaanin ang iyong loob
habang nakatitig sa langit
at inaasam ang Aking YakapX.
huwag kang matakot
lumipad ; kahit na wala kang pakpak
dahil Ang Aking Kalooban
ang magliligtas sa iyong
kapahamakan.ang tanong:
"Handa ka na ba para sa Akin?"
YOU ARE READING
floating;
Poetrya poetry book ; it can be related to architecture, buildings, or anything the universe want to know about how floating is as an experience. for me, it could mean many things.