I.
Nabulag ako
Sa pekeng ginto
Sa mga parangal
Sa mga papuriII.
Tinawag ako
Sa kadiliman
Sa sulok
Sa ibabaIII.
Sumunod ako
Sa kabila ng pagkabulag
Sa walang kasiguraduhan tungo
Sa pahingahanIV.
Hindi pa ako patay kung iisipin
Ngunit tila bangkay ko ay inaanod na pataas
Mula sa kaibuturan ng karagatan
Paakyat sa kalangitanV.
Nang hindi ko man lamang namamalayan.
YOU ARE READING
floating;
Poetrya poetry book ; it can be related to architecture, buildings, or anything the universe want to know about how floating is as an experience. for me, it could mean many things.