Ikaapat / Fourth

3 0 0
                                    

I.
Ang gandang tamaan ng
bola sa ulo
mula sa taas
at titingnan ko itong
basagin ang noo ko

upang mawala ang mga masasamang
salamisim at mga bagay na
naglalakad sa isipan

dahil
muntikan na naman akong
lamunin ng inggit

mula sa mga taong namumuhay
sa selpon

II.
salamat sa Iyo,
nagbato kayo ng nilukot na papel
sa ulo ko

at tuloy, nabasa ko ang Inyong
Salitang nagsasabing
"Wag kang mag-alala,
(ano ka ba?)
Hindi ka patapon."

floating;Where stories live. Discover now