KABANATA 8

341 16 0
                                    

Jheia Sharleign's PoV

Nandito kami sa hapag kainan ng family ni Carol....katatapos ko lang mag take ng board exam for my medical licensure.Actually hinatid at sinundo ako ni Andrei..tsss napakamasunurin naman niya.

Bago kami umuwe ay dumaan muna kami sa ospital na pinagdalhan nung babaeng nabaril and Im very happy na safe na siya.

"So iho kamusta naman ang apo ko...naging mabuti ba siyang fiancee sa iyo this past few days?".

Napatingin ako sa kinakain ko...siguro malungkot rin si Carol sa buhay niya kasi itong buhay niya masahol pa sa buhay ng isang hayop.Atleast ang hayop malayang mabuhay...pero itong buhay niya kulang na lang lagyan ka ng kadena sa katawan.

"Amm....Oo-opo nn-naging okay naman po ang pakikisama niya".

"Good!...isumbong mo sa akin kapag may kabalastugan siyang ginagawa alam mo naman na walang ginawang tama ang batang iyan...mana sa nanay niyang hampaslupa".

Nanay?Bakit bigla akong nainis sa sinabi niya..sino ba naman ang magagalit kung idadamay pa ang ina sa maling pagtingin ng matandang ito sa akin.Grabe parang hindi niya apo si Carol.

"Mama stop comparing her to her mother!".

Napatingin ako sa daddy ni Carol..malungkot ang mga mata niya..may something sa mga mata niya..siguro especial sa kanya ang mommy ni Carol.

Bakit nasaan na ba ang mommy niya?

"Ikaw Carol kapag ikaw bagsak na naman..magbalot balot ka na ng mga gamit mo..at wala kang makukuha sa akin miski ni pisong duling!".

Nakakaawa si Carol....pamilya ba talaga sila kung maituring?Ang daddy niya mukhang tututol pero di itinuloy..dahil pati siya hawak sa leeg ng matandang ito.

"Señorita heto na po ang kape ninyo".

Napatingin ako sa kape na ibinigay sa akin ng maid...no!not coffee ayaw ko pang mamatay.

"My milk po ba?hindi kasi ako umiinom ng coffee?".

Nagulat naman siya sa akin..bakit?

"Po?ammm señorita favorite niyo po iyamg kape na iyan kaya nga po lagi akong naghahanda nito kapag umaga kase alam ko na maghahanap kayo".

Omy G!Hindi ko alam na coffee lover si Carol....mapapasubok ako nito.

Tumango na lang ako sa kanya then ininom ang coffee.Hindi ko talaga type ang lasa ng coffee.

Hindi na nga ako uminom pang muli..kase masusuka na talaga ako..masarap pa nga ang tsaa dito ehh.

"Ahh by the way kapag nakapasa si Carol sa board exam iaarange ko na ang engagement party ninyo pero kapag hindi siya nakapasa...I'll cancel your engagement!".

Oh no!dapat pala hindi ko na iyon sinagutan ng matino!Ayaw king matali sa doctor kwak kwak na ito.

Hindi na ako nakasagot sa halip agad ako sa kanilang nagpaalam..namimiss ko na ang pamilya ko..na sa tuwing kakain ehh nagkakatuwaan pero sa pamilyang ito hindi ko maramdaman ang saya tulad ng buhay ko kasama ang pamilya ko.

Napaluha akong lumabas ng mansyon...then maya maya pa ay nasuka ako.Letse na coffee yan!Sumasama talaga ang tiyan ko kapag umiinom ng kape.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaroon ng coffee sensitivity basta ng unang inom ko pa lang sa kape iba na agad ang reaksiyon ng body ko...kaya nasanay ako na gatas ang iniinom ko..dahil nga sa may sakit ako sa puso.

Naaalala ko pa na si Merxia ang nagtitimpla ng gatas para sa akin...miss na miss ko na silang lahat.

"Hoy Carol anong nangyari sayo at nagsusuka ka dyan..teka..allergic ka sa kape?".

NAKAW NA BUHAY(𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon