KABANATA 58

270 14 0
                                    

Lourhaine's PoV

"Kasalanan niyo tong mag-ina...nang dahil sa inyo napahamak ang mga anak ko.Ano na naman bang kasamaan ang nagawa niyo kay Arthur para gumawa ng masama sa mga anak ko?....hinding hindi ko kayo mapapatawad!".

Panay ang hikbi ko habang dinuduro duro sina Gabriel at Adel Vira dahil sa nangyari sa mga anak ko.

Hindi ko matanggap,hindi ko matanggap na tuluyan na akong iniwan ng isa sa mga anak ko.

Bakit kailangang mawala ng maaga ni Carol?

Bakit kailangan niyang mamatay ng dahil sa kasalanan na kagagawan ng sarili niyang lola at ama?

Bakit siya ang naging kabayaran?

Nadala namin si Carol dito sa ospital ng wala na ring buhay at si Jheia naman ay walang malay.

Sobrang sakit para sa isang ina na tulad ko na makitang ganoon ang sitwasyon ng mga anak ko.

Bakit kailangang may magpaalam?

Carol naman bakit iniwan mo kami kaagad?Bakit kailangan mong umalis ng maaga?Kulang pa ang panahon na nakasama kita anak.

"Hal,nagising na si Jheia at panay ang pagpipiglas niya..natatakot ako na baka maulit na naman ang dati".

Agad akong napapasok sa kwartong kinaroroonan ng isa ko pang anak.Diyos ko bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito?bakit ba kailangan na maranasan ng mga anak ko ang ganitong sakit?

"Bitawan niyo ako!....Sabihin niyo na buhay pa si Carol...buhay si Carol buhay siya...nagkakasundo pa lang kami magsisimula pa lang kami hindi pwedeng mawala siya..hindi hindi!mga sinungaling kayo!!!!!".

Nadurog ang puso ko ng makita ang kalagayan ni Jheia,panay ang tulak niya sa mga nurse at doctor na pinapakalma siya.Ang mga nakakabit sa kanya ay natanggal na rin,gulong gulo na ang buhok niya at magang maga na rin ang mga mata niya.

Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon...paano namin siya mapapakalma?

Alam ko na ang kahihinatnan ng sitwasyong ito ni Jheia.Alam kong sisisihin niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Carol.

Carol saved Jheia.

Si Jheia sana ang mababaril pero isinangga ni Carol ang sarili niya for Jheia to be saved.Im happy for that kasi mukhang natanggap na niya si Jheia but kung kapalit ng ginawa niya ang buhay niya paano ako magiging masayang muli?

Nagkabati na sila,pero bakit kailangang may mawala ngayong magsisimula na sana sila bilang magkadugo,magkapatid at magkakambal?

Nang maiturok ng doktor kay Jheia iyong tranquilizer ay agad na nanghina ang aura niya.Hindi na siya nakapalag at tuluyan na siyang napahiga sa kama.

Iyak lang ako ng iyak at parang sinisisi ko rin ang sarili ko dahil nagkulang ako sa kanilang dalawa.

Nagkulang ako sa pagiging ina sa kanila.

"Hal tama na....kumain ka muna kagabi ka pa hindi kumakain...your killing yourself kahit uminom ng tubig di mo ginagawa...please Hal wag naman ganito.May anak ka pa at kailangan ka niya kaya magpakatatag ka".

Natauhan ako sa sinabi ni David.Tama,tama siya!may anak pa ako,nandyan pa si Jheia at kailangan niya ako.Ako ang magbibigay sa kanya ng lakas para makarecover siya.

The next day panay ang pag-aasikaso ko sa kaso na kinasangkutan ng mga anak ko.I want all the people na kasangkot sa pagkidnap at pagpatay kay Carol na makulong.I want them to be jailed!

Si Arthur...nasa kulungan na siya sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan at hindi na magagawa pang makalabas.

I want justice for my twins..I want justice for my Carol.

Sa sumunod na araw panay pa rin ang pagmamakaawa nina Gab sa akin na hayaan sila na makita si Jheia wala akong nagawa kundi ang payagan sila pero yun na ang huli dahil sinabi ko sa kanila na wag na wag na muli silang magpapakita pa sa akin o kay Jheia. Hinding hindi ko sila mapapatawad dahil sila ang dahilan kung bakit nawala ang anak kong si Carol.

"Tita kamusta po si Sharleign?Pwede ko po ba siyang makita?".

Napatingin ako kay Red na may nagmamakaawang mata sa akin,he wants to see my daughter Jheia.

"She's okay now Red,unti unti na siyang nakakarecover kahit hindi niya matanggap na nawala ng maaga si Carol...sino ba namang hindi?Kahit naman may nagawang kasalanan si Carol minahal pa rin siya ni Jheia and Im very proud for her for having long patience...sana magtuloy tuloy na dahil hindi ko kakayanin kapag mauwi na naman siya sa depression...you can visit her kapag nakalabas na yung dalawa",wika ko sa kanya na ikinatuwa naman niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na anak nila ni Jheia si Audi.Kaya pala wala man lang hawig si Audi kay Andrei ay dahil hindi naman pala siya ang ama ng bata pero Im very happy na kahit hindi kadugo ni Andrei si Audi ay tinrato niya pa rin ito bilang tunay na anak niya.

Carol tulungan mo kaming maging okay..anak tulungan mo kami na tanggapin ang maaga mong paglisan dahil ang sakit sakit pa rin talaga sa tuwing naiisip kita.

Ang sakit na malamang hindi kana babalik pa sa amin.

.........................

Reddher's PoV

"Sharleign".

Napatingin sa akin si Jheia ng bigla akong pumasok sa kinaroroonan niya dito sa ospital.

Hawak niya iyong picture ni Carol habang umiiyak siya.

"RJ....wala na si Carol...iniwan na niya ako".

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.Niyakap ko siya at inalo para gumaan ang pakiramdam niya.

"He really loves you RJ,gusto niya na maging masaya ka ngayong wala na siya.He wants you to be happy".

I felt sorry for what I did to Carol.Sa loob ng limang taon naging mabuting asawa siya sa akin pero naging malamig lang ako sa kanya.

I know,I know that he truly loves me and Im very thankful for that kahit iyong pagmamahal niya ang naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Sharleign.

"Sharleign magiging masaya ako sa piling mo and I know Carol knew that.She knew how much I love you".

"RJ".

I know this is not the right time pero Im desperate to get Sharleign back!

"Lets get married Sharleign...buuin natin ang pamilayang dapat matagal ng buo".

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Sharleign na blangko at walang mabasang emosyon.Kinakabahan ako sa sagot niya kasi mula ng maging kami ulit?alam kong may nagbago...may nagbago na pero hindi ko pinansin pa dahil desperado ako na maging kami ulit.

I know na babalik rin ang dating kami. Babalik rin siya sa akin at magiging buo ulit kami.

Magiging akin ulit siya.

Magiging akin ka ulit Sharleign kaya sana pumayag ka na magpakasal sa akin.

Payagan mo ako na buuin ang pamilya natin.

NAKAW NA BUHAY(𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon