KABANATA 37

273 13 0
                                    

Reddher's PoV

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko matapos kong malaman na buntis pala si Sharleign.Halos isang buwan na siyang buntis at ni hindi ko man lang iyon nalaman.

Ang tanga tanga ko talaga!Grabe na ang paghihirap na naranasan ni Sharleign sa akin tapos heto pa at nawala pa ang anak namin.Bakit kailangan mawala sa amin ang isang inosenteng bata.

Hindi man lang mararanasan ng anak ko na makita ang ganda ng mundo.Hindi ko man lang mayayakap ang anak ko,hindi ko man lang siya makikita na lumaki dahil ang aga niya kaming iniwan.

Masayang masaya ako nung malaman ko na buntis at magkakaanak kami ni Sharleign pero agad iyong napawi ng malaman ang masamang balita na dala ni Angie.

Maselan ang pagbubuntis ni Sharleign at ilang ulit na daw niyang sinasabihan si Sharleign na wag masyadong magpakastress dahil naapektuhan ang bata pero dahil sa mga nangyayari ngayon sa kanya?Sumuko ang anak namin.

Dahil lang sa problema na kami ang may dahilan ay nadamay ang anak ko,nahihirapan si Sharleign at ngayon kasumpa sumpa na ako sa kanya.

Ano pa ang maihaharap ko sa kanya matapos ng nangyari?Galit siya sa akin at hindi ko alam kung paano papawiin ang sakit at lungkot na naidulot ko sa kanya sabayan pa ng mga sinabi ni Tita Raine sa kanya.

Kung ako nasaktan sa pagkawala ng anak namin ni Sharleign baka mas malala pa ang nararamdaman ngayon ni Sharleign.

Durog na durog siya panigurado dahil sino ba namang ina ang matutuwa na mawalan ng anak?

Panay ang iyak ni tita Raine dito sa labas ng ospital at halos kalahating araw na kaming hindi pinapapasok ni Angie sa loob kahit si tita ay ayaw niyang papasukin.

"Kasalanan mo ito Red!!!Kung hindi ka sana nakilala ng mga anak ko baka hindi mangyayari ito sa amin...ngayon ano ng gagawin ko?Galit sa akin ang anak ko at kahit gustuhin ko na damayan siya hindi na niya ako pinapakinggan panay lang ang iyak niya Red..kasalanan mo lahat ng ito!!".

Kasalanan ko,,,,lahat na lang kasalanan ko!

Fine!Tutal kahit ako mismo sinisisi ko ang sarili ko pero ginusto ko ba lahat ng nangyayari ngayon?

Nagmahal lang naman ako,nangarap na makasama si Sharleign habang buhay pero heto ako ngayon..sinisisi ng lahat!

Nasasaktan din ako sa mga nangyayari kay Sharleign....nasasaktan ako to the point na parang gusto ko na lang tapusin ang buhay ko tutal ako naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.

I'm a strong person. But every now and then I would like someone to take my hand and say everything will be alright.

Yung babaeng inaasahan kong magsasabi na magiging okay din ang lahat ay isinusumpa na ako.

Hanggang asa na lang ako.

............................

Lourhaine's PoV

"Tita,bakit niyo po ba iyon nasabi kay Jheia.Kahit kailan po hindi naging ganoon si Jheia lagi po siyang nagpapaubaya at mas iniisip ang iba kesa sa sarili niya..kaya bakit niyo po nasabi ang mga salitang alam niyo na dudurog sa puso niya".

Mas lalo akong napahikbi ng marinig ang sinabi sa akin ni Angielyn.

Hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko lahat ng mga salitang iyon kay Jheia pero alam ng Diyos na hindi totoo ang mga sinabi ko...nadala lang ako hindi ko naman sinasadya na masabi ang lahat ng iyon.

Pinagsisihan ko na nagawa ko iyon sa anak ko at ngayon?Ang apo ko ay nawala na sa akin at alam kong ang bigat ng nararamdaman ngayon ng anak ko dahil sa pagkawala ng baby niya.

Bakit kailangan naming pagdaanan ang lahat ng ito?Bakit kailangan na magdusa ang anak kong si Jheia?

Jheia,patawarin mo si mama sa mga nasabi ko...alam ng Diyos na hindi ko sinasadya lahat ng binitawan kong salita...patawad kung nawalan ako ng oras sa iyo.

Ang tanga ko na hindi ko napansin na may pinagdadaanan ka rin pala at kailangan ng karamay.Lagi mong sinasarili ang mga problema at hindi man lang ako nagtanong sa iyo.Ni hindi man lang kita nadamayan tulad ng gusto mo.

Mapatawad mo sana ako anak sa pagkukulang ko sa iyo.Mapatawad mo sana ako.

"Tita pwede na po kayong umuwe gabi na rin po kasi at saka baka hinahanap na rin kayo ni Carol".

"Angie,pakibantayan ang anak ko...parang awa mo na bantayan mo siya para man lang sa akin..makakaasa ba ako Angie".

"Tita hindi niyo na po ako dapat pinapakiusapan ng ganyan dahil handa naman po akong magbantay kay Jheia dahil kaibigan ko po siya at parang kapatid na rin po...sige na po tita ako na po ang bahala sa kanya bumalik na lang po kayo bukas".

Agad naman akong naglakad palayo sa kanya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa aking mga mata.

Sana pagbalik ko bukas ay maging okay na ang anak ko.Ipinapangako ko na gagawin ko lahat para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya.

"Hal!...kamusta si Carol at Jheia?".

Agad na sumalubong sa akin si David ng makarating ako sa bahay.Nakita ko rin si nanay Susan na nakatingin sa akin ng seryoso at naghihintay ng sagot.

"Hal okay na si Carol,pero ang anak kong si Jheia".

Nagsimula na naman akong umiyak at si David naman ay nataranta kaya niyakap niya ako at inalo.

"Bakit hal anong nangyari kay Jheia?",tanong niya sa akin.

"Hal napag-alaman kong halos isang buwan na palang buntis si Jheia...at ngayon ko lang nalaman kung kailan nakunan siya..Hal kasalanan ko iyon..tapos nagbitiw pa ako ng masasakit na salita sa kanya.Hal galit siya sa akin...galit siya sa akin".

Mas lalo niya akong inalo si nanay naman ay lumapit na sa akin at inalo na rin ako.

Pero napakalas ako ng yakap ng makita ko si Xia na may mga bagahe na dala.

Napatingin din sina David kay Xia...nagulat kaming lahat..para saan ang maleta na dala niya?

Tatlong maleta ang dala niya at nahihirapan pa nga siya na hilahin ito ng sabay sabay.

"Merxia!Para saan ang mga maletang iyan?At bakit bihis na bihis ka?Saan ka pupunta?",sunod sunod na tanong ng ama niya sa kaniya.

"Pupunta muna po ako sa condo ni ate Angie...doon muna po ako titira dahil hindi ko kakayanin na makasama ang kakambal ni ate!sorry po ma pero baliw po ang anak na dinala niyo dito,matagal ko na kayong sinasabihan na may psychiatric disorder siya pero walang nakikinig sa akin.Ayaw ko siyang makita dahil siya ang nagiging dahilan ng laging pag-iyak ni ate...at ito pong dalawang maleta?gamit po ito ni ate,iniutos muna ni ate Angie na mas makakabuti na lumayo muna si Ate para marelax ang utak niya dahil may symptoms na siya ng depression mama kaya wag niyo na po akong pigilan na umalis...sige na po baka po nandyan na po iyong susundo sa akin".

Hindi ako makapagsalita ng marinig ko ang tinuran ng anak kong si Xia.Depress na ang anak ko...bakit kailangan niyang maranasan lahat ng ito?

Pipigilan sana ni David si Xia ngunit pinigilan ko siya dahil mas nararapat nga kung ganoon.

Mas makakabuti siguro kay Jheia na hindi muna makita ang taong nagdulot sa kanya ng labis na sakit.

Sana maging maayos ka na aking anak.Hihintayin ko ang araw na handa ka ng bigyan ako ng pagkakataon na bumawe sa lahat ng pagkukulang ko.

NAKAW NA BUHAY(𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon