KABANATA 27

264 14 0
                                    

Lourhaine's PoV

"No!Mommy ako si Jheia hindi ang babaeng yan!!".

"Mama ako to si Jheia.....Carol anong pakulo to?Bakit mo sinasabing ako ikaw?".

Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa kong anak.Ako mismo ay hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan.Pareho silang matagal na nawalay sa akin....at ang irresponsible kong ina dahil hindi ko alam kung sino nga ba talaga sa kanila si Carol o si Jheia dahil magkamukhang magkamukha sila.

Isa lang ang alam ko...kapag nagsasabi ng totoo si Jheia diretso siya kung tumingin sa mga mata ng kausap niya,kapag naman nagsisinungaling siya kung saan saan napapadpad ang mga mata niya.

Si Carol hindi ko alam dahil hindi ko pa siya nakakasama sa iisang bahay.Ngayon ko lang siya nayakap uli kaya ang ginawa ko ay tiningnan ko sila ng diretso sa mga mata nila at inaalam kung sino ang nagsasabi ng totoo.

"Mama,believe me ako po ito ang anak niyo,si Jheia na mahina ang puso na iniwan niyo para mangibangbansa,ang anak niyo na sabik na sabik na po sa mga yakap at halik niyo...mama maniwala po kayo ako po si Jheia...Alam ko pong naguguluhan kayo dahil sa suot kong lab coat na nakapangalam kay Carol pero mama ako po talaga ito".

"No!!!!!Mommy ako si Jheia wag kang maniniwala sa kanya ako po si Jheia!!".

Bakit ba nagkakaganito ang mga anak ko?Tuluyan akong napaluha ng malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.Bakit kailangan niyang magsinungaling?

"Tumigil ka na Carol!!...Tama na ang pagsasabi na ikaw si Sharleign kahit alam mo naman nung una palang na hindi ikaw si Sharleign!....magkamukha nga kayo pero tama na ang panlilinlang!!!Tumigil ka na sa kasinungalingan mo dahil bistado ka na!!!!",sabat ng binatang magulo ang buhok na alam kong kaibigan ito ni Jheia dahil minsan na ni Jheia naikwento sa akin ang tungkol sa lalaking ito nung nasa kolehiyo pa lang siya.

"Ma'am ang babae pong ito ang totoong Jheia Sharleign at ang  babaeng yan po ay ang tunay na Carol hindi ko po alam ang dahilan nila kung bakit sila nagkapalit ng pangalan pero siya po talaga si Jheia",dagdag pa ng isang binatang doktor sa akin.

Pareho nilang itinuro ang anak kong naka lab coat.Alam ko naman na siya ang nagsasabi ng totoo...kaya pala nung umuwe ako biglang nagbago si Jheia yun pala si Carol na pala ang nakakasama ko sa bahay.

Diyos ko bakit po ba nangyayari ito sa aming mag-iina?Bakit nagkaganito ang dalawa kong anak?

Masama po ba aking ina?Hindi po ba sapat ang pagiging ina ko kaya sila nagkakaganito?

"Ano ito Lourhaine?Bakit magkamukha silang dalawa!!!".

Nabaling ang tingin ko kay Adel Vira na litong lito na atah sa mga nakikita niya.

"Can't you see?Kambal ko silang isinilang at dahil sayo nagkahiwalay silang dalawa!!",malakas na singhal ko kay Adel Vira.

Ngayon nabaling ang tingin ko kay Carol na mahigpit ang hawak sa kumot na nakapulupot sa hubad niyang katawan.

"Carol anak,bakit mo inaangkin ang pangalan ni Jheia?Bakit mo sinasabi na ikaw si Jheia?",

Tuluyan na siyang naiyak sa tanong kong iyon kaya dali dali naman akong pumunta sa kanya at hinarap ng maayos.

"Mommy..Im sorry..Im sorry kung nagsinungaling ako...Im sorry kung hindi ko sinabi na hindi ako si Jheia..Im sorry dahil ninakaw ko ang buhay at katauhan ng kambal ko..Im sorry mommy...gusto ko lang naman po na makalaya sa bwesit na buhay na kinalakihan ko...nainggit po ako kay Jheia dahil ang perpekto ng buhay niya.May pamilya at kaibigan na nagmamahal sa kanya samantalang ako sarili ko lang ang kakampi ko....hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko..kailangan ko pang tumakas para lang magawa ko ang gusto kong gawin...mommy Sorry kung ito ang naiisip kong paraan para makatakas sa buhay ko".

Niyakap ko siya dahil nasasaktan ako sa mga naririnig kong hinaing niya sa naging buhay niya kasama ang matandang ito at ang hayop na ama niya.

Napadako naman ang mga mata ko kay Jheia na pinupunasan ang mga luha sa mata niya.Nakita ko ang sakit sa mga mata niya kaya inaya ko siya na lumapit sa akin pero umiling siya sa akin.

"Jheia anak halika rito,gusto kong makilala mo ang kambal mo",pag-aaya ko sa kanya na lumapit pero tanging iling lang ang sinagot niya habang patuloy na lumalandas ang mga luha sa kanyang mukha.

"Mama,I thought you're dead,,,ano pong nangyari sa inyo?At ano po ang sinasabi ni Carol na ninakaw niya ang buhay at katauhan ko?".

Hindi ko alam ang isasagot kay Jheia dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.Ayaw kong magkagulo sila dahil magkapatid silang dalawa dapat nagmamahalan sila.

"Anong ibig sabihin nun Carol?Naging si Jheia ka ba habang ako nagiging ikaw?...Ang alam ko tumakas ka lang sa buhay mong ito...tapos malalaman ko na inangkin mo na ang pangalan at buhay ko..Tito Arthur said that my family are already dead kabilang na  si mama kaya napilitan akong maging ikaw dahil na rin sa utang na loob tapos ngayon malalaman ko na nagpapakasaya ka kapiling ang pamilyang kinalakihan ko...Explain everything to me Carol!!Tinrato kita bilang kapatid ko kahit saglit na panahon pa lang tayong nagkikita pero ganito ang malalaman ko..how could you do this to me!!".

Napalipat lipat ang mga tingin ko sa dalawa kong anak na nararamdaman kong magkakagulo sila.

"Bakit ba Jheia?...27 years kang naging masaya kapiling ang maituturing na pamilya samantalang ako nagtyaga sa puder ng matandang iyan....Hindi mo man lang ba ako pagbibigyan na maging malaya at masaya?..ang damot damot mo naman kung ganoon...aminin mo na naging masaya ka naman sa buhay ko di ba?Naging masaya ka naman bilang si Carol bilang ako...ang sama mo Jheia!!Ang damot damot mo!!".

"Jheia,Carol tumigil na kayo parang awa niyo na...bakit ba kayo nagkakaganyan?".

Walang sumagot sa kanilang dalawa si Jheia umalis sa kinatatayuan niya at tumakbo palayo sa amin si Carol naman iyak ng iyak at napayakap sa akin.

Ano bang nangyari sa dalawa kong anak?Hindi ganito ang inaasahan ko kapag nagkita sila.

"I can't believe this!!!Paanong kambal ang anak mo Lourhaine!".

Nabaling ang tingin ko sa matanda at lalong humigpit ang hawak ko kay Carol.

"Simula ngayon magbalot balot ka na Adel Vira dahil ang ospital na ito ay hindi mo na pag-aari at si Carol kukunin ko na!!Kukunin ko na ang anak ko",ani ko na ikinagulat ng matanda.

"No you are lying..paaano magiging iyo ang ospital na ninuno ko pa mismo ang nagtayo?Hampas lupa ka wala kang pera paanong magiging iyo ang ospital na pag-aari ko!!".

"Guards!!!!......paalisin niyo na ang babaeng ito sa ospital na ito dahil simula ngayon wala na siyang parte dito...kung manggulo?Kaladkadin niyo ng sapilitan at tumawag kayo ng pulis..basta gawin niyo ang lahat para mapaalis yan dito!!".

Inaya ko na si Carol na umalis sa lugar na iyon dahil alam kong labis na kahihiyan na ang natamo niya.

Nag-aalala pa rin ako kay Jheia,paano na lang kung may masamang mangyari sa kanya?

Hindi ko na alam ang gagawin ko...Kasalanan ito ng matandang iyo kung hindi sana niya pinaghiwalay ang mga anak ko baka walang gulong mangyayari ngayon.





NAKAW NA BUHAY(𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon