Binalot ang buo kong katawan ng mga yakap ng hanging-dagat na nagmumula sa mga along naglalaro sa paningin ko. Makikita ang kulay pula, kahel, dilaw, at lila ng langit sa repleksyon ng malinaw na tubig nito. Habang iniisip ang paglubog ng araw kung sumisisid ba ang nagbabagang bola sa dagat o ang dagat mismo ang yumayakap rito.
Tumayo ako at lumusong sa mababang parte ng dagat. Nabatid ko agad ang galak nito ng biglang sumasayaw sa aking talampakan ang mga alon at kagaya ng pagragasa ng mga alon sa aking direksyon, gayun din ang pagbabalik ng mga alaala ng kahapon sa aking imahenasyon.
Mahinang kinanta ang ritmo ng pagsasama, kasabay ng pag-awit ko ang palihim na hinanaing na sana'y bumalik ka sa tagpuan nating dalawa. At sa pagtatapos ng aking kanta, hindi namalayan ang kamay sa aking braso na dahil sa init na dumadaloy rito'y tila nalapnos, at sa pagtaas ko ng tingin ay nakita ang parang larawang kupas na matagal ng natapos.
I really like it when the breeze of summer air touch my skin and swing my hair. It just feels warm and refreshing at the same time.
"Hoy!" Napabalikwas ako ng may biglang tumapik sa balikat ko.
"Ano ba naman 'tong taong 'to!?" Aambahan ko na sana 'sya ng batok pero agad umiwas ang loko.
"'Bat ka naman mag-isa rito?"
Pinagpag nya ang sahig at umupo sa tabi ko. Nasa lumang building kasi kami, wala namang nagbabantay kaya naisipan kong pumunta sa rooftop, maganda kasi ang view dito.
"Gumagawa akong tula. Wala pa namang prof kaya tumambay muna ako." Pinakita ko sa kanya yung hindi ko pa tapos na ginagawang tula sa notebook ko. Mahilig kasi talaga akong magsulat ng mga poems. Lalo na kapag bored.
"Its nice. Iisipin ko tuloy na may kinikita ka na patago." Pabirong sabi nito na kinatawa ko naman.
"Ang KJ mo! Bakit kaba kasi nandito?"
"May inutos sakin si Sir Pascual na dalhin sa building ng Engineering department. Nakita naman kita dito, mukha kang tangang napikit tapos nangiti pa." Pangangasar nito habang abot langit ang tawa. Nahambalos ko tuloy siya ng notebook ko.
"Tara na nga sa classroom, kingina ka. Panira ng moment." Tumayo na ako at pinagpag ang palda. Ganun din ang ginawa niya.
Magkaklase kami ni Nelo kaya sinabayan na nya akong lumakad hanggang classroom. May 5 minutes pa bago ang susunod na subject namin at halos manlumo ako nang ngayon lang pinaalala ng ugok na may quiz.
"Lintek ka! Sabi ko ay ipaalala mo kaninang umaga! Kapag hindi ako pumasa ay hindi ka na makakatapak sa pamamahay ko." Sabi ko habang niyuyugyog ko ang balikat nya.
"Aray ko naman, Haze" Tatawa-tawa pa niyang daing.
NATAPOS ang buong klase na parehas kami ni Nelo na palaging high scores sa quizes. Tuwang tuwa pa nga ako nang mataasan ko pa sya sa ibang subjects.
"Madaya" Nakabusangot niyang sabi habang naglalakad na kami pauwi, magkalapit lang kasi ang mga bahay naming dalawa. Alas singko y medya na rin kaya kitang kita na ang paglubog ng araw. "May duty ka ngayon sa trabaho diba?"
"Oo, ihahatid mo ba 'ko?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Pwede naman, binigay na ulit ni Mommy yung kotse ko. Tsaka doon yung bistro na gaganapin ang birthday ng kaibigan ko." Napatango naman ako.
"Aba, buena mano pala ang kotse mo at ako ang unang isasakay!"
"Saya ka? Bayaran mo gas ko ah?" Binatukan ko siya at nagtawanan kami hanggang marating ang bahay namin.
"Ingat, tanga ka pa naman." Sabi ko habang sinasarado ang gate namin. Tumawa at umiling lang siya tsaka muling naglakad.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok ng bahay. Binuksan ko ang pinto at amoy ng sigarilyo at alak ang bumungad sa akin.
BINABASA MO ANG
Tranquil of Saudade (Amnesty Series #1)
RomanceHindi na mabilang ang beses na humiling akong kahit isang pagkakataon lang ay makatakasan ko muna ang reyalidad. Malayo sa mga responsibilidad na mayroon ako. Ang isiping makapagpahinga ng panandalian sa buhay ay ang pinakainaasam ko. I am a person...