CHAPTER 3

37 9 5
                                    

TATLONG araw na ang nakalipas mula noong mga kaganapan sa bistro nina Ada. Hindi ko alam pero kahit medyo nalasing ay tumatak sa isip ko ang senaryong iyon namin ni Delrich. Nakita ko rin siyang pumunta kahapon sa bistro pero tuluyan ko na talaga siyang iniwasan at maagang umuwi ng gabing 'yon.

Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin sa oras na magkatagpo ang landas namin. Ewan ko ba. Tensed na tensed ako sa kanya.

Naging mas close naman ako lalo kina Erin, Ian, at Ada. Magkakaiba kami ng  mga university pero palagi kaming tumatambay sa isang karinderya tuwing awasan, minsan ay naisasama ko rin si Nelo kaya naging close rin siya sa kanila.

"Wala bang mainet-inet na chismis diyan sa mga school niyo?!" Tanong ni Ada habang pinapaypayan ang sarili.

Nakaupo kasi kami ngayon ulit sa tambayan naming karindirya at kakatapos lang kumain.

"Invite ko kayo sa Valentines Day event ng HIU, open siya sa public this year para magkaroon kami ng exposure ulit." Binigay sa aming apat ni Erin yung mga tickets. "Libre ko na yan, wag kayong mag-alala."

"Ekis talaga sa school namin, hindi open sa public mga events." Sabat naman ni Ian.

"Pa'no pa samin na walang event?" Sabi naman ni Nelo.

"Uy, sana makita ko si crush." Kinikilig na sabi ni Ada.

"Harot." Pang-aasar ko naman at hinampas niya ako ng mahina ng pamaypay sa braso.

Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na rin ako sa kanila na uuwi na. Mahihiyawan na naman ako ni Tatay kung wala pa ako sa bahay ng alas sais. Hinatid ulit ako ni Nelo, nangangasar pa rin hanggang marating namin ang bahay.

"Pasok ka muna."

Inalis niya ang sapatos at pumasok. Ibinaba niya rin ang bag naming dalawa na dala-dala niya kanina.

"Haze?!" Pagtawag sa akin ni Tatay. Napatingin ako kay Nelo na alam kong sanay na rin kay Tatay dahil palagi naman siyang nandito.

Hindi rin naman kasi siya pinapansin ni Tatay kapag nandito pero sobra naman ang pagrespeto ni Nelo sa kanya.

"'Tay, nandito na po ako! Kasama ko po si Nelo."

"Tulungan na kitang maghugas." Presinta ni Nelo na hindi pa man ako nakakatanggi ay may hawak nang maruming pinggan.

Napakagat naman ako sa ibabang labi dahil sa hiya, sobra na ang hiya ko sa kanya. Kung tutuusin ay nasasanay na rin ako pero hindi pa rin maiwasan na mafeel kong nagiging sagabal ako sa kanya paminsan-minsan.

Siya kasi ang palaging unang magprepresinta na tulungan ako sa mga bagay-bagay, at kung tatanggi naman ako ay hindi siya makikinig, kaya hinahayaan ko na lang din.

Nagligpit na lang ako ng mga naka-kalat na bote ng alak, basura, at basag na plato sa kwarto ni Tatay at nagluto ng kakainin naming apat. Nagpaalam si Nelo sa mommy niya na dito na mag-hahapunan, habang kakauwi lang rin ng kapatid ko na ngayon ay naglalaro na kasama si Nelo sa salas.

"Kakain na!"

Nang matapos kaming kumain ay si Hanz naman ang naghugas ng mga pinggan. Wala akong trabaho ngayong gabi, hindi pa rin umuuwi si Nelo. Gumagawa ako ng plates namin ngayon na ipapasa sa isang araw.

Kapag talaga may pinapagawa na plates o projects ang mga professors namin ay ginagawa ko na agad. Ayoko naman kasing maghabol o mahuli dahil nga marami akong ginagawa sa buhay. At least, kapag natapos ko ng maaga ay hindi ko na proproblemahin at ipapasa na lang.

"Ikaw, Hanz, may napipili ka na bang strand this year?"

Napatingin naman ako sa direksyon nilang dalawa na naglalaro pa rin, hinihintay rin ang sagot ng kapatid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tranquil of Saudade (Amnesty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon