CHAPTER 2

54 12 4
                                    

"Hazey! Nelo!" Pagsalubong sa akin ni Ada at humalik pa sa pisngi ko.

"Ada, si Nelo nga pala, best friend ko" Pagpapakilala ko rito.

"Haze, kilala ko siya." Sa dami ba naman ng kakilala ni Ada ay hindi na ako magtataka.

"Dati ko siyang enemy na naging close friend kasi napilitan." Pangangasar nito kay Nelo.

"Edi wow, Ada" Rebat naman nito.

"Dun ka na nga at hihiramin ko muna si Haze" Irap nito na ikinatawa naman ng lalaki.

"Haze, sabihin mo na lang kung uuwi ka na, ihahatid kita" Tumango na lang ako at ngumiti bago siya pumunta sa isang table.

"Ay sus, best friend lang daw." Bulong naman ni Ada sa ere.

Si Ada ang isa pa sa mga pinaka-close friend ko besides Nelo. Kaklase ko na siya since highschool and we only parted ways when we took different degree in both different schools. Pero kapag may problema ako o siya ay talagang pinupuntahan namin ang isa't isa kahit magkalayo kami para magrant.

Sila rin ang may-ari ng bistro na pinapasukan ko ngayon. Dalawang taon na akong nagtatrabaho rito at kumikita sa pagkanta. Kung minsan ay naglilinis na rin ako pangdagdag sa sweldo. Tuwing Miyerkules, Sabado, at Linggo ng gabi ang trabaho ko dahil naiintindihan naman nila na estudyante pa ako at marami ring ginagawa. Mabait ang mga magulang niya sa akin.

Mukhang maraming tao ngayon na pumunta. Puno kasi ang mga lamesa namin ngayon at tila magkakakilala rin ang mga guests. Hindi ko alam kung may party ba o ano.

"Sorry, late na ba ako?" Alalang tanong ko naman dito.

"Oh no! Medyo dumami lang tao today kasi nirentahan ng friend ko na may birthday ngayon for celebration." Napatango naman ako. "Halika, ipapakilala kita!"

"Hala, hindi naman na kailangan." Napapakamot sa batok na sabi ko dahil sa hiya. Jusmeyo, sa sobrang daming kaibigan ni Ada ay baka pwede na siyang tumakbong senador.

"Ano ka ba?! Mabait naman 'yong mga yon no! Tsaka mga dating ka-batchmate natin ang iba ron." Pagpilit nito sa akin.

Wala akong nagawa at nagpahila na lang sa kanya papuntang isang table. Feeling ko nga ay ang iba sa kanila ay medyo lasing na.

"Oy, Ada! Tinakasan mo shot mo!" Sabi ng isang boy doon na mestiso na matangkad at may kulot na kulot na buhok at sobrang pogi.

"Tigilan niyo ako! Anyway, guys! This is Haverrett Zeil Delgade, batchmate din natin noong highschool. She will be singing for us later!" Pagpapakilala sa akin ni Ida.

"Haze na lang." Nakipagkamay at binati ako nilang lahat na nasa lamesa. Nahihiya naman akong nakipag-interact din sa kanila.

Ang iba sa kanila ay tanda ko pa at nakikilala rin ako, pero may iba naman na hindi ako masyadong pamilyar o hindi ko nakikita noon. Nakita ko pa nga ang kambal ni Nelo na nakikipag-asaran sa isang lalaki na sa tingin ko ay medyo nalalasing na.

"Kilala mo pa ba ako? Erindese
Zorelano?"

"Oo naman! Ikaw yung nakakita sa akin na nung nadulas ako sa Gymnasium non." Tumawa naman kaming dalawa at inalala ang mga nangyari kung paano niya ako tinulungan noong nadulas. Ang pagkakatanda ko ay nasa Section B sya habang Section A ako noong grade 10 kaming dalawa.

"Diba ikaw rin yung kaklase ko noon, Haze?" Sabi naman ng sobrang pamilyar na lalaki sa akin pero nakalimutan ko na ang pangalan. Alam kong kaklase ko siya noon kasi siya yung palaging nanghihingi ng papel sa akin!

"Oo..pero nakalimutan ko name mo."

"Kalimot-limot ka raw!" Pang-aasar ni Ada sa kanya at umakto naman ang lalaki na parang pinupunasan ang pekeng luha niya.

Tranquil of Saudade (Amnesty Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon