Kabanata 24

539 41 18
                                    

Kassandra:Parang may nabasa akong tweet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kassandra:
Parang may nabasa akong tweet. Let’s see!

Kassandra:
“Sino ba naman ako para magreklamo?”

Demi:
Huwag muna
ngayon please?

Kassandra:
So anong nangyari?

Demi:
Nagparamdam sa
kanya ‘yung
ex-girlfriend niya

Kassandra:
Anong sabi?

Demi:
Kailangan daw siya ng ex-girlfriend niya kasi nagbreak
sila nung boyfriend niya.

Kassandra:
So, anong
pakiramdam?

Demi:
Hindi naman ako pwedeng magreklamo, ano ba ako?

Demi:
Hindi naman ako ‘yung totoong girlfriend at mas lalong hindi naman kami totoo

Demi:
Pang-quarantine lang ako. Pansamantala lang ako.

Demi:
Syempre mas uunahin niya iyon kasi minahal niya ‘yon.
Ako, hindi.

Kassandra:
Ayan ang sinasabi ko sa ‘yo!

Kassandra:
Jeremiah pa
more!

Demi:
Edi do’n siya sa
ex-girlfriend niya

Kassandra:
Akala ko ba
hindi mafofall?

Kassandra:
Bakit nangangamoy
nagseselos?

Demi:
Hindi ako nagseselos…

Kassandra:
Fragile ka masyado,
Demi! Gusto mo
pustahan tayo?

Demi:
Anong pustahan?

Kassandra:
Pustahan tayo
umiiyak ka ngayon!

Demi:
Oo. Happy?

Demi:
Hindi pa rin kasi siya nagpaparamdam sa akin

Demi:
At kapag nagparamdam man siya, kunwari hindi
ako nasasaktan…

Kassandra:
Una pa lang kasi
sinabi ko na sa ‘yo
na huwag siya.

Kassandra:
Hindi rin ako nagkulang sa paalala.

Kassandra:
Pasabi-sabi ka pa ng I won’t fall in love, iiyak-iyak ka naman ngayon…

Demi:
Oo na, mali ko na

Kassandra:
Anong plano mo?

Kassandra:
Titigil mo na?

Kassandra:
Itigil mo na para hindi ka na mas lalong masaktan kapag nagtagal pa yan!

Demi:
Itutuloy ko pa rin.

Kassandra:
ANO!

Demi:
Matatapos na rin naman ‘yung quarantine, Kassandra!

Demi:
Susulitin ko na!

Kassandra:
Ewan ko sa ‘yo,
Demielle Fajardo Suarez!

Kassandra:
Noong umulan ng pagiging tanga,martyr at marupok… Hindi ko alam kung bakit ka pinalabas nila tita!

Kassandra:
Full package ka na talaga. Nasayo na ang lahat! Ikaw na ang best quarantine girlfriend! Best quarantine girlfriend ng taon!

Demi:
Pagbigyan mo na
ako dito please?

Kassandra:
Ewan ko sa ‘yo!

Demi:
Nasasaktan na rin naman ako

Demi:
Itotodo ko na.

Kassandra:
Ang akin lang, kapag
masakit na umalis ka na!

Kassandra:
Kapag umiiyak ka na,
umiwas ka na!

Demi:
Kakayanin ko.

Demi:
Ikaw na mismo nagsabi, ‘di ba? Si Jeremiah ‘yon eh

Demi:Ikaw na mismo nagsabi, ‘di ba? Si Jeremiah ‘yon eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
What If I Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon