Kabanata 56

483 38 1
                                    

Demi:Kassandra…

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Demi:
Kassandra…

Kassandra:
Ano? Nagusap na ba kayo ni Jeremiah?

Demi:
Yeah

Kassandra:
Bakit parang hindi ka masaya?

Demi:
Masaya naman ako

Kassandra:
Pero?

Demi:
Natatakot pa rin ako, lalo na ngayon na matatapos na ang quarantine

Kassandra:
Ano bang sabi niya? Liligawan ka ba?

Demi:
Hindi pa raw siya ready

Kassandra:
Confirmed! Pang quarantine ka lang talaga!

Demi:
Hays. Ginusto ko ‘to kaya papanindigan ko ‘to

Kassandra:
Ano na ang plano mo?

Demi:
I’m starting to pack my things right now

Kassandra:
Babalik ka na talaga sa dorm?

Demi:
Oo

Kassandra:
Safe na ba?

Demi:
Nagsisimula na rin naman magdisinfect sa dorm

Kassandra:
Ang bilis ng araw no?

Demi:
Kasi nageenjoy tayo

Kassandra:
Tinapos ko pala na ‘yung quaranfling ko…

Demi:
Eh bakit parang hindi ka masaya?

Kassandra:
Masaya naman ako

Demi:
Pero?

Kassandra:
Mamimiss ko siya hahaha weird

Demi:
So you like him, do you?

Kassandra:
I guess, but some things are not meant for each other

Demi:
Bakit naman?

Kassandra:
Pang-quarantine lang talaga ako

Demi:
Ang drama? Kung gusto niyo naman talaga ang isa’t-isa bakit hindi niyo na lang totohanin ang lahat?

Kassandra:
Paano kung hindi magwork?

Demi:
Ang negative?!

Kassandra:
Sabi niya gusto niya rin ako, pero syempre paano kung joke lang pala iyon?

Demi:
Alam mo ikaw na mismo nagsabi sa akin na malalaman mo lang na mahal ka talaga ng isang tao ngayong quarantine kapag mahal ka pa rin pagkatapos ng quarantine.

Kassandra:
Heto na ‘yung reality, malapit na tayo sa katotohanan.

Demi:
Pero kung hindi ka niya gusto at least naging masaya ang quarantine mo

Kassandra:
Wala na nga lang ‘yung taong nagpapasaya sa ‘yo

Demi:
Walang masama kung susugal ka

Kassandra:
Ayoko sumugal kapag hindi talaga ako sigurado

Demi:
Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?

Kassandra:
Paano kung masaktan ako?

Demi:
Edi matututo ka, iyon naman ang importante do’n

Kassandra:
Sorry kung dinamay pa kita sa kalokohan na ito ah

Demi:
The best ang trip kapag pinsan mo ang kasama mo hahaha

Kassandra:
Dapat ako lang ‘yung nasasaktan, hindi ka kasama.

Demi:
Lahat ng bagay nangyayari dahil may rason, tandaan mo ‘yan!

Kassandra:
Tama ka. Kailangan lang natin hanapin ‘yung rason kung bakit ito nangyayari

Demi:
Sige na matutulog na ako

Kassandra:
Good night!

Kassandra:
Mahal ka niya, tandaan mo ‘yan!

Kassandra:Mahal ka niya, tandaan mo ‘yan!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
What If I Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon