Avery:
DemiDemi:
Kung sesermonan mo
ako please
‘wag naAvery:
Huh?Demi:
Bakit ba?Avery:
Ang sungit mo ngayon.
Anong meron?Demi:
Wala, tinatamad
lang akoAvery:
Bakit mo binlock si
Jeremiah? Anong
nangyari?Demi:
WalaAvery:
Hindi ako naniniwala
na wala lang, anong nangyari?Demi:
Wala nga, AveAvery:
Ang sabi ni Jeremiah
ayaw mo na raw siya
kauasap?Demi:
Siya na lang tanungin moAvery:
Dahil nanaman kay
Katherine?Avery:
Nagselos ka kasi nakita mo siya habang kausap mo si Jeremiah?Demi:
Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?Avery:
Kasi gusto ko na sa ‘yo mismo mangaling.Demi:
Ayoko lang
masaktanAvery:
Bakit ka masasaktan?
Hindi naman sila?Demi:
Sabi sa akin ni Jeremiah
gusto pa niya si KathAvery:
Ay weh?Demi:
Kung alam mo naman kasi na mas sasaya siya sa nauna, bakit ka pa magpapatuloy?Avery:
Tinamaan na talaga
ang pinsan koDemi:
Hindi naman dapat,
pero marupok. Hindi
na napigilanAvery:
So ayaw mo na talaga
kay Jeremiah? Ayaw mo
na siya makausap?Avery:
Anong sasabihin ko sa kanya? Tinatanong ka kasi niya…Demi:
Bakit pa niya ako
tinatanong? Ano bang
pakialam niya sa akin?Avery:
Girlfriend ka raw
niya ehDemi:
Quarantine
girlfriend.Avery:
Ano na naman ang
ginawa mo? Anong
quarantine girlfriend?!Demi:
Alam ba ng mga
kuya niya?Avery:
Hindi! Nag-pm lang
siya sa akin kanina!!!Demi:
Quarantine girlfriend, girlfriend niya lang ako ngayong quarantine.Demi:
Don’t worry, hindi ko na siya kukulitin kasi tapos na ‘yung deal naminAvery:
OMG, DEMI! SINASABI KO TALAGA SA ‘YO IKAKAPAHAMAK MO ANG MGA KALOKOHAN MO SA BUHAY MO!!!Demi:
I’m facing my consequence,
huwag mo na ako sermonan.
Nasasaktan na ako dahil sa
kalokohan ko sa buhay.Demi:
Akala ko kasi hindi ako mahuhulog hahaha tanga ng pinsan mo eh, ang tanga ko.Avery:
Lagot ako kay Jav kapag
nalaman niya ‘to…Demi:
Huwag mo na ipaalam, tapos na naman.Avery:
What the hell!Demi:
I was just fake flirting tapos
nahulog ako sa sarili
kong patibongAvery:
Ayan! Fake flirting pa!!!
Naku, Demi! Naiistress
ako sa ‘yo!Demi:
Tapos na, ‘wag mo na
ako pagalitanAvery:
So anong sasabihin
ko kay Jeremiah?Demi:
Hindi ko na siya kukulitin, ‘yon naman ‘yung deal namin pagkatapos ng quarantine ehAvery:
So tatapusin mo ng
gano’n na lang? Walang
closure? Walang proper
Goodbye?Demi:
Kapag tapos, tapos na.Demi:
Please, Ave. Tama na?Demi:
Hayaan mo na ako.Demi:
Hayaan mo na kaming dalawa.