As soon as I received his text I hurriedly ran out my room as much as I can.
"Ke-aga aga nagmamadali ka na Kalea" gising na pala sila sabagay ako yung palaging late magising kahit maaga na ko sa lagay na to
"Ah asan po sila kuya Thomas?"
"Andun sa labas nagkakape kasama sila Timothy"
Agad akong nagpasalamat kay ate Felice at dali-daling pinuntahan sila kuya Thomas. Sila lang ang tangi kong pag-asang maghahatid sakin papuntang Tacloban.
Kung di ba naman isa't kalahating baliw tong si Seth di sana ako nas-stress ngayon.
"Kuya" tila nagdadalawang isip pa ako kung anong susunod kong sasabihin. Agad naman akong nilingon ng dalawa.
Nakangiti si kuya Thomas habang si kuya Timothy naman, ang kanyang kakambal ay naka-taas ang kilay. Kung hindi mo sila kilala tiyak na malilito ka kung sino sa kanila si Thomas/ Timothy. Bata pa rin sila mga 2 taon lang ang tanda pero itong si kuya Timothy ay parang 50 years old dahil palaging bad mood na siyang kabaliktaran ni kuya Thomas.
"Hmm bakit?" Tanong ni kuya Thomas
"Pwede po bang magpahatid sa airport?" Nahihiya kong tanong
"Anong gagawin mo dun?" Baling sakin ni kuya Timothy tila nagdudu-da sa aking sinasabi
"Andoon po yung kaibigan ko nagpapasundo kung pwede lang po sanang magpasamang sumundo" pigil na pigil na ang aking hininga sa kaba. Iniisip ko na rin kung anong nangyayari ngayon kay Seth tiyak na naghihintay na yun
"Ang aga naman ata ng dating ng kaibigan mo ano bang pangalan niyan" puna ni kuya Timothy
"S-seth po" agad na nanlaki ang mata ni kuya Thomas
"Lalaki?" Sabay pa talaga sila
"Ah opo sige na po ihatid niyo na ko. Kanina pa siya naghihintay roon" kulang nalang magmaka-awa ako sa kanila
Agad namang lumaki ang ngisi ni kuya Thomas at puno ng pagdududa ang tingin sakin ngayon ni kuya Timothy.
"Sige kunin ko lang ang susi" agad na sabi ni kuya Timothy at agad akong napatalon sa tuwa
Kasalukuyan kaming bumabiyahe ngayon papuntang Tacloban di alintana ang suot na pajama at pangtulog na damit.
Bahala na baka kanina pa yun naghihintay si Seth. Bulong ko sa aking sarili
Eh bat naman ako mag-aayos para sa kanya eh siya nga tong nang-aabala.
Nagtatalo na ang konsensya ko kaya't naisipan ko nalang tignan ang cellphone. Nakita kong may message roon si Seth.
Seth: asan ka na?
It was 10 minutes when he messaged and I immedatiately typed my reply.
Kalea: otw na konting kembot dadating na
He immediately replied.
Seth: paanong otw? I'm hungry make it fast
Aba siya na nga tong binulabog ako aga aga at pinapuntang airport siya pa may ganang mag demand. Ewan ko ba minsan di ko ma-gets ugali nitong si Seth. Minsan masungit, minsan mabait, minsan demanding, minsan nanghaharot.
Buti na lang at walang traffic kaya mabilis naming narating ang airport. Papasok palang ako ng natanaw ko na si di kalayuan si Seth tila namamangha sa bawat makikita.
"Seth!" Agad siyang lumingon-lingon at saktong tumama ang kanyang mata saakin. Ngumisi siya ng makita ako at agaran tinakbo ang distansya namin.
"It's almost 10. Bat ang tagal mo?" Reklamo niya

BINABASA MO ANG
Confirm
Teen FictionIn which Kalea Alvarez had a crush over Seth Emmanuel whose notorious for being snob Started: May 17, 2020 Ended: June 26, 2020