99

392 7 9
                                    

It's been a month. Since he confessed to me
and still hindi parin ako maka paniwala. Everything felt like yesterday.

"Huy natutulala ka naman" I snap back at reality after Macey waved her hand

We're having our lunch here at a near fastfood at libre niya raw sa'kin. Mamayang 3pm pa ang pagkikita namin ni Seth.

"Anong plano mo mamaya?" I look at her while asking me that question pang ilang tanong niya naba yan sakin?

"Wala di ko alam. Bahala na?" she glared at me as I answered her question as if she's not satistfied

"Anong bahala na? huy mag-isip ka naman" tila siya pa ang stressed na stress kaysa sakin

Ikaw ba ang sasagot? ha? ikaw ba?

I just laughed at her not minding her deadly glares. We finished our food and decided to take a jeep on our way to home. Mas nauna siyang bumaba dahil dinaanan siyang cafe hula ko'y doon ang meeting place nila ni Keith.

Pagkababa ko sa jeep ay naglakad ako ng ilang metro papunta ng inuupahang apartment namin nila mama.

Tila may bisita sila mama dahil naririnig ko ang boses ni mama tila ay may kausap.

Tinignan ko ang aking relo at nakita kong alas 2 na at isang oras na bago kami ako sunduin ni Seth.

Pumasok ako't nabigla sa aking nakita. Nanlalaki ang mata at naka-awang ang labi kong tinignan si Seth na komportableng nakaupo sa aming sofa at kausap si mama.

"A-anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko ngunit bakas parin ang pagkabigla

He just shrugged his shoulder and answered "Diba magkikita rin naman tayo. Inagahan ko lang"

"Oh andito ang manliligaw mo't binisita ka Kalea. Kailan mo ba yan sasagutin napag-usapan na rin natin nung una na pwede kang mag boyfriend" bahagya akong namula sa sinabi ni mama at pinandilatan ng mata senyas na wag mo akong ilaglag.

Ngunit hindi niya ata ako naintindihan dahil nagpatuloy pa siya sa pagdaldal at talagang binuking ako kay Seth na tumatawa at tuwang tuwa sa mga narinig kay mama

"Naku Seth pagpasensyahan mo na iyang si Kalea dahil sadyang pakipot at umaaktong Maria Clara. Ang sabi pa nga niya saakin noong nakaraang linggo mga 2 years pa daw bago ka niya sagutin"

Hindi ko na napigilan at lumapit na ako't hinila si mama dahil wala na talaga akong mukhang maiihaharap kay Seth. Pakiramdam ko'y trinaydor ako ni mama at nilaglag ng harap harapan.

Nakakahiya

"Mama aalis na kami baka kung ano pang masabi mo" sabi ko at hawak parin ang braso ni mama na natatawa akong binalingan.

Sumeryoso naman ang kanyang mukha at hinawakan ang akin pisnge

"Alam mo maswerte ka at may dumating na Seth sa buhay mo. Wag mo ng pakawalan ang mga gaya niya dahil tiyak na pagsisisihan mo." aniya habang nakangiti mula sa mata

"Nakikita kong mahal na mahal ka ng lalakeng iyon. Alam mo yun dahil ng dinala mo siya ng Leyte kitang kita ko kung paano siya tumingin sayo. Tila lahat ng galaw mo'y apektado at humahanga siya" namumula na ako sa pinagsasabi ni mama ngunit nakinig pa rin ako

"Oh siya alam kong may lakad kayo ngayon kaya puntahan mo na" sabi niya at bahagya akong tinulak palayo at papunta kay Seth

Ngumiti ako at yinakap siya ng mahigpit. Huminga ako ng malalim bago pakawalan ang salitang matagal ko ng gustong sabihin

"Ma, I love you at salamat" She is now teary-eyed so do I. She also smiled at say the words back before I decided to go back to Seth.

Bumalik ako sa sala kung nasaan si Seth nakaupo.

ConfirmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon